Pinoy judokas sumungkit ng silver at 2 bronze sa Vietnam
August 8, 2006 | 12:00am
HO CHI MINH Tinalo lahat ni Southeast Asian Games gold medalist Gilbert Ramirez ang kanyang kalaban patungo sa finals bago mabigo sa isang mahigpit na desisyon kontra sa Hapones at makuntento na lamang sa silver medals at pinakamagandang tinapos ng Philippines sa 15th Vietnam International Judo Tournament sa Army Indoor Stadium.
Ang tagumpay ni Ramirez ay nagbigay liwanag sa bronze medal nina John Baylon at Estie Gay Linawen sa torneong ito na nilahukan ng 11-bansa, na bahagi rin ng tuneup nila para sa nalalapit na 15th Asian Games sa Doha, Qatar.
Dagdag din ang medal ni Filipino-Japanese Tomihiko Hoshina, ang 8-man RP squad team ay humakot ng kabuuang 4 na medalya sa dalawang araw na kompetisyon.
Dinomina ng Korea ang event na may 8 golds, 2 silvers, at 4 bronzes kasunod ang Japan na may 5-1-2, at host Vietnam na may 4-5-23. Ang Thailand ay isa pa sa bansang nakakuha ng isang ginto at 2 bronze.
Dinispatsa ng 21 anyos na si Ramirez ang Vietnamese na si Nguyen Tran Minh Nhat at Thai Alexander Ralli para sa finals ng mens -73kgs patungo sa finals.
At sa gold medal match, kinalaban ni Ramirez si Takuma Sakamoto at naging mahigpit ang kanilang labanan bago tuluyang makuha ng Hapones ang gintong medalya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended