^

PSN Palaro

Handang-handa na si Viloria

-
Ang 12 rounds na hard labor sa kanyang unang depensa ang naging inspirasyon ni Brian Viloria para sa puspusang pagsasanay bago dumating ang kanyang laban.

"It’s important to build up my stamina. I always expect the fight to go the distance now," ani Viloria, na idedepensa ang kanyang World Boxing Council lightflyweight belt kontra kay Omar Nino Romero ng Mexico sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Orleans Hotel and Casino sa LasVegas, Nevada.

Tinapos ni Viloria (19-0, 12KOs), ang kanyang training sa pamosong Wild Card Gym sa Hollywood noong Sabado at tumitimbang ng 110 lbs, dalawang libra na taas sa limit.

Ang kanyang team na kinabibilangan nina trainer Freddie Roach, manager Gary Gittelsohn at amang si Ben, ay nagtungo na sa Las Vegas noong Lunes.

"Anything can happen when you’re in the ring. But I’m prepared to whatever the fight will offer to me," ani Viloria.

Matagumpay niyang naipagtanggol ang kanyang titulo sa unang depensa niya laban kay Mexican Jose Antonio Aguirre.

At bagamat na-fracture ang kanang kamay ng Hawaiian-born Pinoy sa kaagahan ng laban, ang kanyang bilis at defensive skills ang bumigo sa kalaban at mapatango ang mga hurado.

"I can be aslugger and I can be a boxer depending on the situation," ani Viloria. At dahil magaling na ang kanyang malakas na kanang kamay may kalalagayan ang kanyang kalabang si Romero.

Ang Viloria-Romero title bout at ang under cards ay ipapalabas sa widescreen sa Robinson’s Galleria Fountain Area at sa Tastebuds sa Robinson’s Place Manila simula alas-10 ng umaga. Ipapalabas sa Solar Sports, ang tahanan ng Filipino boxing champions simula alas-10 ng umaga na may replay sa alas-7 ng gabi at alas- 9 ng gabi sa susunod na araw.

ANG VILORIA-ROMERO

BRIAN VILORIA

BUT I

FREDDIE ROACH

GALLERIA FOUNTAIN AREA

GARY GITTELSOHN

KANYANG

LAS VEGAS

MEXICAN JOSE ANTONIO AGUIRRE

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with