SMC-Team Pilipinas puntang-Qatar
August 1, 2006 | 12:00am
Bagamat alanganin pa dahil sa suspensiyon ng FIBA sa bansa, abala pa rin ang SMC-Team Pilipinas sa kanilang iskedyul.
Umalis kahapon ng umaga si National coach Chot Reyes at kanyang bataan patungong Doha, Qatar upang lumahok sa El-Emadi International basketball tournament na lalahukan din ng national teams ng Angola, Latvia at host Qatar.
Babanderahan ng magkaibigang Kerby Raymundo ng newly-crowned PBA Philippine Cup champion Purefoods Chunkee at Willie Miller ng Alaska Aces ang bata at matangkad na koponang binuo ni Reyes mula sa pool ng mga available players para makipagtunggali sa kanilang mas matatangkad na kalaban sa isang linggong torneo.
Ang Team Pilipinas na suportado ng San Miguel Corporation ay haharapin ang African champion Angola sa unang araw sa Martes sa Gharafa Club gym.
Susubukan ng Qatar ang Nationals sa Miyerkules at Latvia sa huling araw ng eliminasyon.
Makakasama nina Raymundo at Miller sina Dorian Peña, Mick Pennisi, Billy Mamaril, Rafi Reavis, Larry Fonacier, slam dunk king Nino Canaleta at potential No. 1 overall draft pick Arwind Santos, Dennis Miranda at PBA rookie hopefuls Joseph Yeo at LA Tenorio.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended