^

PSN Palaro

RP netters balik sa Group 2

-
Umiskor ang Philippines, na binanderahan nina Fil-Ams Cecil Mamiit at Frederick Taino, ng 3-0 panalo laban sa Saudi Arabia kahapon upang makarating sa finals ng BNP Paribas Asia-Oceania Zone Group 2 competitions sa Manila Polo Club indoor courts.

At sa pagpasok ng locals sa finals na may karapatang tanghaling kampeon ng Group 3, muling nakabalik ang Philippines sa Group 2 competition.

Naglarong bayani sina Mamiit at Taino na mga bayani din makaraang maisukbit ang titulo sa men’s team sa Southeast Asian Games noong nakaraang taon, kung saan nagwagi din ng singles gold si Mamiit at nakipagtambalan kay Riza Zalameda para naman sa mixed doubles title.

"We came here to give honor to the Philippines," wika ng world No. 203 na si Mamiit matapos iposte ang 6-0, 6-0 panalo kay Saleh Al-Rajeh sa ikalawang singles na nagsiguro sa panalo ng Philippines.

Sa kabilang dako, si Taino na pang-No. 271 sa mundo, ang nagbigay ng 1-0 abante sa bansa sa kanilang best-of-three match matapos ang 1-6, 6-0, 6-3 panalo laban kay Fahad Al-Saad sa unang singles.

Isinara naman nina Patrick John Tierro at Johnny Arcilla ang kampanya ng bansa nang manaig ito sa doubles match kontra kina Bader Al-Mugail at Fahad Al-Saad, 6-2, 6-2.

Kung nangailangan lamang ng 41 minuto si Mamiit na mapagwagian ang kanyang laban, pinahirapan naman si Taino bago niya naidispatsa ang kanyang kalaban.

BADER AL-MUGAIL

FAHAD AL-SAAD

FIL-AMS CECIL MAMIIT

FREDERICK TAINO

JOHNNY ARCILLA

MAMIIT

MANILA POLO CLUB

PARIBAS ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

PATRICK JOHN TIERRO

RIZA ZALAMEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with