^

PSN Palaro

Phil. Star kampeon sa JVC Open Corporate division

-
Napanatili naman ng The Philippine Star ang corporate crown sa paggupo sa Meralco, 4-1, para sa top P50,000 purse sa pagtatapos ng P1 million JVC Open Badminton Championships sa Glorietta kahapon.

Tinalo nina Chester Cordero at Dalia Santiago sina Rey Selga at Kathleen Anasco, 21-17, 21-11, sa second mixed doubles na may katumbas na 2-points para sa Starmen.

Nakipagtambal naman si Cordero kay Jhona Magnaye para igupo sina Joel Noga at Flor Vivas, 21-8, 21-15, sa unang mixed doubles bago ang panalo nina Rodolfo Gutierrez at Jopet Sison laban kina Selga at Allan Dilia sa men’s doubles, 21-17, 21-15.

Ang tanging panalo ng Meralco ay mula kina Criselda Sarabia at Diana Barbo nang kanilang igupo sina Melody Villaceran at Analyn Delgado, 21-19, 21-17 sa ladies doubles.

Ipinakita nina Karyn Velez at Ronnel Estanislao na sila ang mga susunod na badminton superstars nang kanilang igupo sina Gelita Castillo at Ralph Hidalgo ayon sa pagkakasunod sa pamamagitan ng impresibong tagumpay para makopo ang juniors crowns.

Sa pagdomina ni Velez ng 16-under division ng un-official national championships, naging magaan ang panalo ng Golden Shuttle Foundation bet laban kay Castillo, 21-9, 21-11 para sa titulo ng girl’s division.

Matapos kumampanya sa elite division, kung saan nakarating ito sa semifinals, nahirapan muna sa unang set si Estanislao bago nito kinontrol ang ikalawang set para sa 21-18, 21-11 victory sa boys’ side.

ALLAN DILIA

ANALYN DELGADO

CHESTER CORDERO

CRISELDA SARABIA

DALIA SANTIAGO

DIANA BARBO

FLOR VIVAS

GELITA CASTILLO

GOLDEN SHUTTLE FOUNDATION

JHONA MAGNAYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with