^

PSN Palaro

RCBC, Phil Star wala pang talo sa JVC Open

-
Nagtala ang Rizal Commercial Banking Corp. ng dalawang panalo upang tapatan ang magandang simula ng tatlo pang koponan sa corporate division ng 2006 JVC Open Badminton Championships na nagsimula kahapon sa PowerSmash sa Makati City.

Tinalo ng RCBC ang Shell, 2-1,bago nila blinangko ang Del Monte, 3-0, upang parisan ang 2-0 ng Accenture, Toyota at defending champion Philippine Star sa event na ito na simula ng week-long eliminations ng iba’t ibang divisions, kabilang ang elite at juniors divisions na magbubukas ngayon.

Iginupo ng Accenture ang ABS-CBN, 2-1, bago na-sweep ang PDIC, 3-0, para pamunuan ang Group 2 sa eight-cluster corporate division, na may premyong P50,000 sa champion. .

Naka-2-0 din ang Toyota Motor Phils. Corp., na nanalo sa Holcim, 2-1, at Total Phils. Corp., 2-1 gayundin ang Philstar, na nagposte ng 3-0 panalo laban sa Del Monte at Pilipinas Shell.

Nakasiguro na ang RCBC, Philstar, Accenture at Toyota ng puwesto sa last 16 kung saan ang RCBC at Philstar ay mag-aagawan sa pamumuno sa Group 1sa final day ng qualifying sa Saturday.

Pagkatapos ng round robin competition, ang top two squads sa bawat group ay uusad sa round of 16 sa July 1, sa PowerSmash at ira-rank ang winners ayon sa bilang ng team ties won para sa quarterfinals sa July 2 sa Glorietta Activity Center.

Nakabawi ang ABS-CBN sa pagkatalo sa Accenture sa panalo kontra sa Malayan Insurance, 3-0, na nagbigay sa kanila ng pag-asa sa last 16. Tulad ng ABS-CBN, ang Malayan ay mayroon ding 1-1 card matapos manalo sa PDIC, 2-1, sa Group 2.

Nanalo naman ang AB Leisure sa JVC, 3-0.

vuukle comment

ACCENTURE

DEL MONTE

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

MAKATI CITY

MALAYAN INSURANCE

OPEN BADMINTON CHAMPIONSHIPS

PHILIPPINE STAR

PHILSTAR

PILIPINAS SHELL

RIZAL COMMERCIAL BANKING CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with