^

PSN Palaro

Lady Falcons pinana ng Lady Archers

-
Bumangon ang De La Salle mula sa unang set na pagkakadapa upang duplikahin ang kanilang panalo laban sa Adamson, 23-25, 25-16, 25-11, 25-22, habang kinailangan muna ng San Sebastian College na dumaan sa butas ng karayom bago nila natalo ang Far Eastern University, 25-23, 17-25, 25-20, 25-21 sa pagpapatuloy kahapon ng semifinal round ng V-League na presinta ng Shakey’s sa Blue Eagle Gym.

Gumawa ang Thai import na si Jindarat Kanchana ng 23 kills, habang nagdagdag sina Michelle Datuin at Desiree Hernandez ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Lady Archers na pinalawig ang kanilang winning run sa 10 dikit na nagbabadya lamang ng pagsungkit ng kanilang ikatlong korona sa event na ito na presinta ng Shakey’s Pizza at may suporta mula sa Accel, Mikasa, VFresh, Aqua-best, ABC-5 at ABC Sports na inorganisa ng Sports Vision.

Bumagsak naman ang Adamson na binanderahan ni Cherry Macatangay sa kanyang pinakawalang 27 puntos sa 6-4 na sapat na para maagaw ng San Sebastian ang ikalawang puwesto taglay ang 7-4 win-loss slate.

Nauna rito, ipinakita naman ni Jaroensri Bualee, isa pang Thai import ang kanyang tikas ng trangkuhan ang SSC sa third at fourth sets para paspasan ang Lady Tams.

Tumapos ang 23-anyos na si Bualee ng 27 kills, na karamihan nito ay mula sa huling dalawang frames na nagpabagsak sa depensa ng Morayta-based spikers upang bitbitin ang Lady Stags sa ikatlong sunod na panalo sa semis at ikapito naman sa overall matapos ang apat na kabiguan.

Umusad din ang Lady Stags sa dalawang panalo upang makakuha ng isang slot sa finals sa ikalawang sunod na pagkakataon sa bisa ng 5-of-8 incentives rule.

Natikman naman ng FEU ang kanilang ikalimang pagkatalo sa likod ng 10 pakikipaglaban at kailangan nilang maipanalo ang apat mula sa huling limang laro upang manatiling nasa kontensiyon.

vuukle comment

ADAMSON

BLUE EAGLE GYM

CHERRY MACATANGAY

DE LA SALLE

DESIREE HERNANDEZ

FAR EASTERN UNIVERSITY

JAROENSRI BUALEE

JINDARAT KANCHANA

LADY ARCHERS

LADY STAGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with