^

PSN Palaro

La Salle Stars sa PBA

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Ngayong suspindido na ang La Salle sa lahat ng events sa susunod na season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), marami ang nagtatanong kung tuluyang mag-aapply na sa Philippine Basketball Association ang ilang Green Archers na eligible na mag-pro?

Eligible na raw ang mga tulad nina Joseph Yeo, Jun-jun Cabatu, Ryan Araña at Joseph Casio. Kung mababakante sila ng isang taon at magbabalik sa 2007, baka kalawangin sila. So, kung eligible na rin lang sila para umakyat sa PBA, mas makabubuti sa kanilang mag-apply sa draft.

Sa tutoo lang, ang apat na ito’y puwedeng mapakinabangan ng kahit na ano’ng PBA team.

Sinasabing si Cabatu, na isang second generation player, ay malamang na iakyat ng Welcoat Paints na bumili ng prangkisa ng nag-disband na Shell Velocity. Si Cabatu ay kasalukuyang naglalaro sa Rain or Shine sa PBL Unity Cup.

Si Casio ay isang point guard na naglalaro naman sa Toyota Otis. Kung mag-aapply siya sa Draft, baka makursunadahan siya ng ilang teams na naghahanap ng matinding court general. Kasi nga, sa ngayon ay si LA Tenorio, na tapos na ang playing years sa Ateneo, ang siyang may pinakamatunog na pangalan sa mga amateur point guards. At least, may pagpipilian na ang mga PBA teams kung saka-sakali.

Si Araña ay isang hard-nosed player. Bagamat undersized siya, palaban sa rebounds ang batang ito at "may nose for the ball". Bukod dito ay matinding scorer itong si Araña na discovery ni dating FedEx coach Bonnie Garcia. May ilang PBA coaches na nagsasabing pwedeng-puwede ang estilo ni Araña sa pro league.

Natural, si Yeo ay magiging prized find ng kahit na anong PBA ballclub. Ang tanong nga lang ay kung papayagan siya ng PBA na lumahok sa Draft. Kasi nga’y nagkaroon ng kaso si Yeo sa PBA nang makipagsapakan siya kay Enrico Villanueva sa Dream Game ng La Salle at Ateneo noong Disyembre.

Magugunitang sa Dream Game na iyon kung saan pinayagan ng PBA na maglaro ang mga pros kasama ang ilang collegiate strars ng magkabilang eskuwelahan ay nakaldag ni Villanueva sa isang rebound play si Yeo at gumanti ito. Nagkaroon tuloy ng free-for-all.

Sinabi ng PBA na magpapataw sila ng sanction kay Yeo dahil sa kaguluhang iyon. Hindi natin alam kung tama iyon dahil hindi naman saklaw ng PBA si Yeo.

Pero kung papasok si Yeo sa Draft at may sanction nga ang PBA, may susugal ba sa kanya?

Siguro naman ay may susugal kay Yeo.

Pero teka, hind iba’t humingi na ng paumanhin si Yeo sa PBA? Baka naman sapat na iyon para tanggapin na siya sa Draft. Tutal ay malaki din naman ang mai-aambag ni Yeo sa PBA kung saka-sakaling maglaro na ito ng pro basketball.

At may nagsasabing maganda kung ang Red Bull mismo ang kukuha sa kanya para magkasama sila ni Villanueva. Malaking istorya iyon kung saka-sakali.

vuukle comment

ATENEO

BONNIE GARCIA

CABATU

DREAM GAME

ENRICO VILLANUEVA

GREEN ARCHERS

KUNG

LA SALLE

PBA

YEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with