^

PSN Palaro

Thai spikers tututukan

-
Magsasagupa ang De La Salle University at ang San Sebastian College ngayon sa pagpapatuloy ng V-League na hatid ng Shakey’s sa Ateneo Gym kung saan matutuon ang pansin sa kani-kanilang Thai reinforcements.

Ipaparada ng Lady Archers at ng Lady Stags, champions ng UAAP at NCAA ayon sa pagkakasunod, sa alas-6:00 ng gabi kung saan hangad ng La Salle ang magandang simula sa kanilang kampanya para sa ikatlong sunod na titulo.

Ang mananalo sa dalawang laro ngayon ay hahanay sa mga opening day winners na Adamson at Ateneo de Manila.

Ang 2005 UAAP finalist Adamson ay nagdebut sa pamamagitan ng impresibong 25-14, 25-20, 25-20 panalo laban sa 2005 NCAA runner-up Philippine Christian U habang naungusan ng Ateneo ang University of the East sa marathon 25-20, 25-17, 21-25, 20-25, 15-10 noong Sabado.

Sasandal ang La Salle sa matangkad na 23-gulang na si Kanchana Jindarat habang aasa naman ang San Sebastian kay Boulee Jalerns, 23-gulang din.

Kilala ang mga manlalarong ito na mga power hitters kaya pakakaabangan ang laban na ito sa torneong ito na hatid ng Shakey’s Pizza, Accel at Mikasa.

vuukle comment

ADAMSON

ATENEO

ATENEO GYM

BOULEE JALERNS

DE LA SALLE UNIVERSITY

KANCHANA JINDARAT

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY STAGS

PHILIPPINE CHRISTIAN U

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with