^

PSN Palaro

RP Open, iniliban na muna

-
Pansamantalang iniliban ng organizer ang first Bingo Bonanza Philippine Open na orihinal na nakatakda sa Marso 1-5 sa PhilSports Arena.

"In view of the current situation, participating countries have been duly advised by their respective governments against traveling to the Philippines for the time being," pahayag ng organizer.

Idinagdag din nila na nakikipag-ugnayan sila sa IBF (International Badminton Federation) para sa isang akmang panahon na nasa kanilang international calendar.

Gayunpaman, nagpahayag ang lahat ng mga dayuhang manlalaro ng kanilang pagnanais na magpunta sa bansa para maglaro sa blue-ribbon event kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon ng bansa.

Samantala, lahat ng nakabili na ng ticket para sa event na ito at may bisa pa rin para sa bagong iskedyul na event. Para sa refunds, makipag-ugnayan sa Ticketworld.

May 200 players mula sa 15 bansa ang naunang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon sa limang araw na event, ang kauna-unahang four-star tournament na gaganapin dito sa Pilipinas.

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN

GAYUNPAMAN

IDINAGDAG

INTERNATIONAL BADMINTON FEDERATION

MARSO

PANSAMANTALANG

PARA

PILIPINAS

SAMANTALA

TICKETWORLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with