Villanueva, Best Player of the Conference
February 16, 2006 | 12:00am
Sapat na ang boto ng media at tiwala ng ilang kapwa manlalaro upang angkinin ni Enrico Villanueva ang Best Player of the Conference Award para sa San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup.
Inangkin ni Villanueva ang naturang karangalan kahit No. 3 contender lamang ito sa statistical race kung saan nangunguna sina Kerby Raymundo ng Purefoods at Renren Ritualo ng Air21.
Sapat na, na makuha ni Villanueva ang block vote ng PBA Press Corps kahit na hindi siya ang top choice ng mga players at wala itong nakuha sa fourman committee para makalikom ng kabuuang 2,074 puntos.
Kumuha si Villanueva ng 1,123 puntos mula sa 39-media votes na kinapalooban ng block vote ng PBA Press Corps at 480 puntos mula sa 20 players vote dagdag pa ang 471-puntos mula sa kanyang statistics.
"Na-surprise talaga ako," pahayag ng 25-gulang na si Villanueva na tumanggap ng kanyang kauna-unahang individual major award sa PBA.
"I really thought si Kerby (Raymundo) ang mananalo because of the Alaska-Purefoods semi-final series," pahayag ng 2003 No. 7 draftee na si Villanueva.
Pumangalawa lamang si Raymundo na may 1,848 boto na nanguna sa statistical race para sa 504 puntos at siyang ibinoto ng tatlo sa fourman committee na binubuo ng mga kinatawan ng Philippine Sportswriters Association (PSA), Sports Communicators Organization of the Philippines (SCOOP), PBA Press Photographers at ng TV coveror na ABC-5, para sa 600 puntos bukod pa sa 144 puntos sa limang boto ng media.
Run-away winner naman ang reinforcement ng Purefoods na si Marquin Chandler para sa Best Import Award matapos lumikom ng kabuuang 2,665 puntos.
Nakakuha si Chandler ng 1,094 puntos mula sa media kasama ang block vote ng PBA Press Corps, 971-puntos sa 45 players votes at 600pts. Mula sa tatlong boto ng fourman committee.
Ang pinakamalapit nitong kalaban ay si Air21 import Shawn Daniels na nakaani lamang ng 797 points kasunod si Red Bull import James Penny na may 518pts. at Ginebra import Chris Porter na may 180pts. lamang.
Kasalukuyang nilalaro pa ang Game Four 4 ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference Finals sa pagitan ng Red Bull at Purefoods habang sinusulat ang balitang ito. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended