^

PSN Palaro

Top international teams sali sa RP Open Badminton

-
Labing dalawa pang bansa kabilang ang tatlo mula sa Europe, ang nagpahayag ng kanilang intensiyon na sumali sa Philippine Open Badminton Championships, na may nang 18 foreign teams nang sasabak para sa top honors sa inaugural staging ng event na magsisimula sa March 1 sa PhilSports Arena.

Nagsabi na ang China at Indonesia, ang pinagmulan ng maraming badminton talents sa mundo, sa organizing IMG ng kanilang planong sumali sa $120,000 event kasama ang Thailand, Singapore, Japan, India, Macau, Pakistan at Sri Lanka.

Inaasahang full force na darating dito ang mga Chinese shuttlers matapos ang kanilang dominasyon sa All England Open kung saan nakopo nila ang apat na titles kabilang ang men’s at ladies singles crowns na pinagwagian nina Lin Dan at Xie Xing-fang ayon sa pagkakasunod.

Nunit magiging mahigpit ang kanilang haharaping hamon ngayon dahil inaasahang ipapadala rin ng Denmark, Germany at England ang kanilang mga best bets para sa five-day tournament, na katatampukan din ng mga top-caliber players mula sa Malaysia,Taipei, Vietnam, Iran, Hong Kong at Korea.

Ang RP Open na 4-star tournament ay tune-up para sa China Masters.

vuukle comment

ALL ENGLAND OPEN

CHINA MASTERS

HONG KONG

INAASAHANG

LABING

LIN DAN

MACAU

PHILIPPINE OPEN BADMINTON CHAMPIONSHIPS

SRI LANKA

XIE XING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with