^

PSN Palaro

NSAs bigyan ng deadline sa liquidation ng advances--Hontiveros

-
Sa unliquidated advances na P92 milyon ng mga National Sports Associations (NSAs) sa Philippine Sports Commission (PSC), may panukala ang pa-ngulo ng bowling association.

 Ayon kay Philippine Bow-ling Congress (PBC) president Steve Hontiveros, 15 hang-gang 30 araw lamang ang da-pat ibigay na deadline ng PSC para bayaran ng mga NSAs ang nakuha nilang cash ad-vances.

 "Everytime you received an amount from the Philippine Sports Commission within 15 or 30 days dapat liquidated na ‘yon para hindi na lumaki," wika ni Hontiveros.

 Matatandaang nagbigay na ng babala si PSC chairman William "Butch" Ramirez sa 41 NSAs hinggil sa P92 milyong cash advances ng mga ito simula noong 2002.

 Nagtakda na rin ang sports commission ng deadline sa mga NSAs noong Disyembre 31 ng 2005.

 Sinabi ni Ramirez na wala silang sports association na bibigyan ng financial assis-tance hanggat hindi nakapag-susumite ng mga resibo.

 "Meron kasing mga NSAs diyan na more than 10 years ago na hindi pa rin nagli-liquidate kahit na nagpalit na ng presidente. I think the best thing that the PSC can do is to make sure that all accounts of an outgoing NSA president have been fully liquidated," ani Hontiveros.   

 Inihayag ng sports com-mission na tanging ang tae-kwondo, lawn tennis at weight-lifting pa lamang sa hanay ng mga sports associations ang nakapagpasa na ng kanilang mga liquidated reports. (Russell Cadayona)

HONTIVEROS

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE BOW

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RAMIREZ

RUSSELL CADAYONA

SPORTS

STEVE HONTIVEROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with