PSC nanakawan!
January 28, 2006 | 12:00am
Ilang hindi kilalang lalaki ang pumasok sa limang opisina ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Huwebes ng hatinggabi.
Bagamat wala pang katiyakan kung magkanong halaga ang nawala, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit Dir. Vicente De Guzman na tinitingnan rin nila ang mga mahahalagang dokumento.
Kabilang sa mga pinasok ay ang tanggapan ni Commissioner Richie Garcia, Executive Director Guillermo Iroy, ang budget, accounting at ang National Sports Association (NSA) Affairs.
Ayon kay Iroy, posibleng ang dokumento ng mga NSAs ang puntirya ng magnanakaw matapos magbigay ng babala si PSC chairman William "Butch" Ramirez sa mga ito ukol sa unliquidated na P92 milyon sapul pa noong 2004.
"Huwag naman sana yon ang reason kasi parang mga documents ang target nung pumasok eh. Wala pang declared na amount kung may nawala man, pero ang sigurado may mga mahahalagang papeles na nawala," sabi ni Iroy. (RC)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest