^

PSN Palaro

Tatapusin na kaya ng Air21?

-
Plano nang tapusin ngayon ng Air21 ang laban kontra sa Talk N Text. Ngunit siguradong hindi basta-basta magpapaubaya ang Phone Pals.

Nakatakdang magsagupa ngayon ang Express at ang Phone Pals para sa Game-Four ng kanilang quarterfinal series sa San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference na magpapatuloy sa Cuneta Astrodome.

Determinado ang Air21 na tapusin na ngayong alas-6:00 ng gabi ang best-of-five serye laban sa Talk N Text, kung saan taglay nila ang 2-1 kalamangan.

Isang panalo na lamang ang layo ng Express para makuha ang karapatang hamunin sa best-of-seven semifinal series ang Purefoods Chunkee matapos ang 98-93 panalo laban sa Phone Pals kamakalawa.

Ang isa pang semifinal series ay naitakda na sa pagitan ng Red Bull at Barangay Ginebra matapos ma-sweep ng Barakos ang sariling best-of-five quarterfinal series laban sa Alaska sa 3-0 sa pamamagitan ng 81-65 panalo kamakalawa.

Dumiretso na ang Purefoods at ang Gin Kings sa semifinal round matapos mabiyayaan ng awtomatikong semis slots bilang top two teams.

Para maisakatuparan ang misyon, sasandal ang Express kina Renren Ritualo, Wynne Arboleda at import Shawn Daniels na nagbida sa kanilang nakaraang tagumpay ngunit tiyak na di papahuli sina import Darvin Ham, Asi Taulava, Jimmy Alapag, Willie Miller at iba pa.(CVOchoa)

vuukle comment

ASI TAULAVA

BARANGAY GINEBRA

CUNETA ASTRODOME

DARVIN HAM

FIESTA CONFERENCE

GIN KINGS

JIMMY ALAPAG

PHONE PALS

PUREFOODS CHUNKEE

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with