Pacquiao-Morales II ipapalabas sa ABS-CBN-2
December 30, 2005 | 12:00am
Sinabi ni ABS-CBN vice-president for Sports Peter Musngi kahapon na ipapalabas sa Channel 2 ang rematch sa pagitan ng Filipino ring idol Manny Pacquiao at legendary Mexican Erik "El Terrible" Morales sa blocktime partnership sa Solar Sports.
Gayunpaman, nilinaw ni Musngi, na limitado ang commercials ng Solar di gaya ng dati. "They will have less sponsors but charge more," ani Musngi.
Ito ay dahil malakas na ang hatak ng network kumpara sa regular network ng Solar na RPN 9 kung saan ipinalabas ang mga nakaraang laban ni Pacquiao.
Inilarawan niyang ang kasunduan ay "win-win situation for both."
Ibinunyag ni Musngi na ang production at technical aspects ng laban ay manggagaling sa Solar marketing ngunit mayroon din silang marketing options para sa pre at post-fight segments.
Matatandaang pinagmulta ng mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas ang Solar noong March 19 dahil sa commercial overload ng match nina Pacquiao at Morales ngunit hindi sinabi kung binayaran ang multa o nagkaroon ng kasunduan.
Sinabi ni Musngi na isa sa dahilan ng tie-up ay ang katotohanang ang ABS-CBN ay may "relationship kay Pacquiao na naging bahagi ng Kamao program.
Malapit nang ilunsad ang Celebrity Poker matapos makakuha ng World Poker Tour franchise para sa Philippines. "Its a nice-to-have project," ani ABS-CBN official ukol sa Pacquiao-Morales fight, "because in January, historically, there is nothing happening, so its a good way to start off the year and the fact that its coming right after the SEA Games where the Philippines won overall honors for the first time. Its a good project to follow it up."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended