^

PSN Palaro

3rd gold tinumbok ni Pagulayan

-
Pangatlong gintong medalya para sa isang Fil-Canadian.

Tinumbok ni Alex Pagulayan ang kanyang ikatlong gold medal matapos talunin ang kababayang si Lee Van Corteza, 9-6, sa isang all-Pinoy finals match sa men’s 8-ball singles sa billiards and snooker event ng 23rd Southeast Asian Games kagabi sa Makati Coliseum.

Unang hinablot ni Pagulayan, ang 2004 World Pool champion, ang kanyang gold medal sa men’s snooker team katuwang sina Leonardo Andam, Joven Alba at Felipe Tauro, Jr.  bago nakipagtambalan kay Dennis Orcullo sa men’s 9-ball doubles event.

Sa kanilang laro ni Corteza, humataw ng dalawang gold medal sa 2003 Vietnam SEA Games, kinuha ni Pagulayan ang 2-1 abante bago nakatabla ang una sa 8th rack, 4-4.

Matapos ang naturang pagdikit ni Corteza, sinargo naman ni Pagulayan ang apat sa sumunod na anim na lamesa upang iposte ang komportableng 8-6 bentahe patungo sa gintong medalya. 

Umakyat na sa kabuuang anim na gold medal ang naibulsa ng Team Philippines sa nasabing event na tinampukan ng pagre-reyna ni Rubilen Amit sa women’s 8-ball singles noong Huwebes ng gabi.

Pinayukod ng 24-anyos na si Amit, estudiyante ng University of Sto. Tomas, ang pambato ng Singapore na si Hoe Shu Wah sa iskor na 9-5 panalo sa kanilang race-to-9 finals match. (Russell Cadayona)

ALEX PAGULAYAN

CORTEZA

DENNIS ORCULLO

FELIPE TAURO

HOE SHU WAH

JOVEN ALBA

LEE VAN CORTEZA

LEONARDO ANDAM

MAKATI COLISEUM

PAGULAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with