^

PSN Palaro

Ikalawang gold nilangoy ni Molina

-
LOS BAÑOS, Laguna – Nilangoy ni Miguel Molina ang kanyang ikalawang gintong medalya sa harap ng nagbubunying manonood kasabay ng tugtog na "Pinoy Ako" at maiwasan ang pagkakabokya sa araw na iyon sa ikalawang araw ng aksiyon sa 23rd SEA Games swimming competition dito sa Trace Aquatics Center.

Matapos ang natatanging gintong medalya noong Martes, dinagdagan ni Molina ang kanyang ginto makaraang langoyin ang 200M individual medley. Unang napagwagian ni Molina ang 400m IM.

Naunahan ni Molina, nag-aaral sa University of California sa Berkley, ang kalabang Thai na si Radomyos Matjiur at Singaporean Gary Tan Lee Yu. Naorasan ang Fil-Am swimmer sa bilis na dalawang minuto at 3.80 segundo.

Winasak din ni Molina ang kasalukuyang marka niya na 2:04.68 na kanyang itinala sa World Championship noong nakaraang Agosto at muntik na rin wasakin ang 2003 record ng Thai na si Ratapong Sirisanont.

Hindi naman naging masuwerte ang mga Pinay swimmers nang makuntento lamang ang Fil-Am mer-maid na si Jacklyn Pangilinan sa 100m breaststroke na binanderahan ni Singaporean Joscelin Yeo.

Bronze lang din si Timmy Chua sa 100m breas-stroke habang ang 4x100m freestyle relay nina Lizza Danila, Heidi Gem Ong, Erica Totten at Marichi Gandionco ay bronze lang din. (Lawrence John Villena)

ERICA TOTTEN

FIL-AM

HEIDI GEM ONG

JACKLYN PANGILINAN

LAWRENCE JOHN VILLENA

LIZZA DANILA

MARICHI GANDIONCO

MIGUEL MOLINA

MOLINA

PINOY AKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with