^

PSN Palaro

Sakrispisyo ng Harbour Centre

FREETHROWS - AC Zaldivar -
Singlalim yata ng Pacific Ocean ang bangko ng Harbour Centre at ito ang ipinakita ng Port Masters sa kanilang unang laro kontra sa Montaña Pawnshop noong Miyerkules. Dinaig nila ang Jewellers, 68-60.

Sa tutoo lang, malaki ang naging sakripisyo ng Harbour Centre dahil hinayaan nito ang ilang key players na lumipat sa nagbabalik na Hapee Toothpaste. Kasi nga, adopted school ng Hapee ang Philippine Christian University. Lumipat sa Hapee sina Gabby Espinas, Jason Castro, Robert Sanz at Carlos Cecilia.

Nawala rin sa poder ng Harbour Centre sina Mark Cardona at Paolo Bugia na ngayon ay naglalaro na sa PBA. Si Cardona ay kinuha ng Talk N Text samantalang si Bugia ay nasa Red Bull Barako.

Hindi na rin muna naglalaro sa Philippine Basketball League ang premyadong UAAP point guard na si LA Tenorio ng Ateneo Blue Eagles.

So kung titingnang mabuti, parang nagsisimulang muli ang Harbour Centre. Kasi nga, pati ang coach nitong si Dindo Pumaren ay baguhan din sa PBL. Hinalinhan ni Pumaren si Tonichi Yturri na ngayon ay team manager na.

Nag-conduct ng tryouts si Pumaren at halos dalawang linggo lang bago nagsimula ang PBL Heroes Cup saka niya nabuo ang kanyang koponan.

Kabilang sa mga bagong manlalarong nakuha niya sina Joseph Yeo, Ryan Dy, Redentor Vicente, Jr., Jerome Paterno, Richard Alonzo, Marcy Arellano, Earn Saguindel at Kelvin dela Peña.

Si Yeo ay beterano na ng PBL dahil nakapaglaro na ito sa ICTSI-La Salle. Napunta siya sa Harbour Centre nang magdesisyon ang ICTSI na huwag na munang lumahok sa PBL. Tinagurian siyang "ninja" sa UAAP kung saan naglalaro siya sa La Salle.

Si Dela Peña, na produkto ng Mapua Cardinals, ang Rookie of the Year 2005 NCAA season. Siya ay pinili ng Harbour Centre bilang No. 2 overall sa nakaraang PBL Draft.

Si Vicente, na anak ng dating PBA player na si Redentor Sr., ay isa sa mga leading scorers ng San Sebastian Stags. Si Paterno ay isang rebounder buhat sa San Beda Red Lions. Si Alonzo ay galing sa Adamson University. Hindi siya nakapaglaro sa nakaraang UAAP season dahil sa natapos ang kanyang eligibility. Si Ryan Dy ay lumipat naman buhat sa Rain or Shine (dating Welcoat House Paints).

Sina Arellano at Saguindel ay mga point guards buhat sa University of the East na hawak din ni Pumaren. Si Arellano ang Rookie of the Year ng 2004 UAAP season.

So kumbaga’y sinuklian naman ng maganda ang sakripisyong ginawa ng Harbour Centre dahil sa nakakuha ng magagandang materyales si Pumaren at palaban ang Port Masters.

Kung noong nakaraang Unity Cup ay nabigo ang Port Masters na makausad sa semifinal round, ngayon ay may high hopes sila na marating ito.

Kaya naman tuwang-tuwa ang team owner na si Mike Romero. Alam niyang powerhouse unit ang na-assemble ng kanyang bagong coach.

Malay mo, ang nucleus ng kasalukuyang team ang iakyat ni Romero sa PBA sakaling mag-apply bilang member ng pro league ang Harbour Centre.
* * *
Happy birthday kay Angela Pascua-Revilla na magdiriwang sa Nobyembre 8.

ADAMSON UNIVERSITY

ANGELA PASCUA-REVILLA

CENTRE

HARBOUR

HARBOUR CENTRE

LA SALLE

PORT MASTERS

PUMAREN

ROOKIE OF THE YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with