^

PSN Palaro

Ka-spar ni Pacman aakyat sa ring

-
Umasa na mamayang gabi ay umaatikabong fireworks ang masisilayan kung saan itataya ni Fernando Montilla, ang sparring partner ni Manny Pacquiao ang kanyang Philippine lightweight crown kontra kay Dexter ‘Dinamita’ Delada sa isang fundraising card na gaganapin sa San Andres Civic and Sports Center sa Malate, Manila.

Ipiprisinta ng Braveheart Promotions ni North Cotabato Gov. Manny Piñol, layunin ng 68-round slugfest na makalikom ng pondo na kinakailangan upang maitustos sa legal battle ng two-time world champion na si Luisito Espinosa.

"It’s about time that we lend a hand to our very own Luisito Espinosa," ani Piñol sa SCOOP sa Kamayan-Padre Faura kahapon. Hanggang ngayon ay hindi pa nakakolekta si Espinosa ng kanyang $150,000 premyo mula sa kanyang matagumpay na pagdedepensa sa korona laban sa Argentinian na si Carlos Rios sa Koronadal, South Cotabato.

Ayon pa kay Piñol, si Pacquiao ay kasalukuyan ng nangako ng P100,000 halaga ng tickets at panibagong P50,000 na ipinangako naman ni Manila mayor Lito Atienza. Naghihintay pa rin siya ng mga pangako ng suporta mula kay immigration commissioner Al Fernandez at Manila Rep. Miles Roces.

"The first 1,000 tickets will be given away for free courtesy of Manny Pacquiao," wika pa ni Piñol.

Dadalo si Pacquiao sa nasabing laban kasama si Wakee Salud.

Sina Montilla at Delada ay kapwa hindi umabot sa itinakdang weight limit na 135 lbs kung saan ang kampeon ay galing sa 133 lbs at ang ace challenger mula sa stable ni Wakee Salud sa Cebu ay may timbang na 134.

Sa iba pang national title fight, itataya ni Eric Barcelona ng Leonil laban sa No. 2 challenger na si Celso Danggod ng Dante Almario Stable Muntinlupa.

AL FERNANDEZ

BRAVEHEART PROMOTIONS

CARLOS RIOS

CELSO DANGGOD

DANTE ALMARIO STABLE MUNTINLUPA

DELADA

ERIC BARCELONA

FERNANDO MONTILLA

LUISITO ESPINOSA

WAKEE SALUD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with