Rain Or Shine, Magnolia mag-uunahan sa ikalawang panalo
November 5, 2005 | 12:00am
Pag-aagawan ng Rain or Shine (dating Welcoat Paints) at ng Magnolia Dairy Ice Cream ang ikalawang sunod na panalo upang manatili sa pamumuno para sa tampok na laro sa tatlong maaksiyong labanan ngayon sa 2006 PBL Heroes Cup sa JCSGO gym sa Cubao.
Alas-4:00 ng hapon magsasagupa ang Elasto Painters at Wizards na kapwa nagtagumpay sa kani-kanilang laban noong opening day noong Sabado sa La Salle Greenhills gym.
Tinalo ng Rain or Shine ang Toyota Otis sa Jojo Tangkay at Ronjay Enrile, na naging susi ng kanilang 81-75 tagumpay habang sumandal naman ang Magnolia kina Kim Valenzuela, Arwind Santos at Kelly Williams upang igupo ang Granny Goose Tortillos, 79-70
Ikalawang sunod na panalo rin ang hangad ng Hapee-Philippine Christian University na sasagupa naman sa Montaña Pawnshop sa ikatlong laro, alas-6:00 ng gabi.
Ang Hapee-PCU, Elasto Painters at Wizards ay magkakasama sa pamumuno kasama ang pahinga ngayong Harbour Centre.
Sa pambungad na laban sa alas-2:00 ng hapon, paglalabanan naman ng Snackmasters at Toyota Otis ang buwena-manong panalo para makabawi sa pagkatalo sa kanilang debut game.
Hangad ng Tortillos na bigyan ng pabaon ang kanilang coach na si Jun Tan na nagbitiw sa kanyang tungkulin upang asikasuhin ang kanilang negosyo sa Cebu. Kinuha ng Granny Goose bilang kapalit ni Tan ang beteranong coach na si Joe Lipa. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended