Cabagnot pinasiklaban ni Caguioa
October 31, 2005 | 12:00am
Matapos umiskor ng career-high 17 puntos sa kanilang unang paghaharap noong Oktubre 9, marami kaagad ang nagsabi na ang rookie Fil-Am na si Alex Cabagnot ang siyang susunod sa mga yapak ni Mark Caguioa.
Ngunit ito ay pinasinungalingan ni Caguioa kagabi.
Humakot si Caguioa ng 19 marka, tampok ang malinis na 9-for-11 shooting sa freethrow line, at 10 rebounds, upang tulungan ang Barangay Ginebra sa 96-89 paggupo sa Sta. Lucia Realty sa eliminasyon ng 2005 San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference sa Araneta
"Sabi sila ng sabi na si Alex Cabagnot ang susunod na Mark Caguioa. Pero ngayong gabi, hindi naman siya nakaiskor," sabi ni Caguioa kay Cabagnot na sinasabing bumasag sa scoring record ni Caguioa sa Eagle Rock High School sa United States. "Well, rookie pa lang siya and he still a lot to work on to for him to improve his game."
Ang apat na sunod na freethrows ni Caguioa ang sumelyo sa pangalawang sunod na ratsada ng Gin Kings para sa kanilang 4-3 kartada sa ilalim ng pumapangatlong Red Bull Barako at Alaska Aces, parehong may 4-2 rekord, habang nahulog naman ang Realtors sa kanilang four-game losing slump para sa kanilang 2-5 baraha sa kabila ng pagpaparada kay Omar Weaver kapalit ni Leon White.
Isang 10-point lead, 41-31, ang ipinoste ng Ginebra sa 6:30 ng second quarter patungo sa 66-59 paglayo sa huling 2:27 nito buhat sa isang two-handed slam dunk ni import Sean Lampley.
Isang basket ni Weaver at three-point shot ni Paolo Mendoza ang nagdikit sa Realtors, tumalo sa Gin Kings, 92-88, sa kanilang unang pagsasagupa noong Oktubre 9 kung saan nagpasikat si Cabagnot kay Caguioa, sa 78-91 agwat sa nalalabing 1:42 ng fourth period.
Matapos ang split ni Dennis Espino para sa 88-92 paghahabol ng Sta. Lucia sa huling 57.7 segundo, apat na dikit na freethrows naman ni Caguioa ang nagpadyak sa Ginebra sa komportableng 96-88 bentahe sa natitirang 19.0 tikada. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended