^

PSN Palaro

Over the hill

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Malaking bagay din para sa San Miguel Beer ang pangyayaring hindi kaagad nakapaglaro ang mga National Team hopefuls na sina Dondon Hontiveros at Dorian Peña sa simula ng San Mig Coffee- PBA Fiesta Conference.

Malaking kawalan ang dalawang manlalaro at ito’y damang-dama ng tropa ni coach Joseph Uichico. Dahil sa kulang ang kanilang "armas" natalo ang Beermen kontra sa Talk N Text (74-66), Coca-Cola Tigers (79-77) at Purefoods Chunkee Corned Beef (92-90).

Sa pagbabalik nina Hontiveros at Peña sa active duty noong Linggo ay nakalasap pa rin ang Beermen ng mapait na 86-84 pagkabigo sa Red Bull Barako at nanatiling tanging koponang hindi pa nakakatikim ng panalo sa torneo.

Pero kahit paano’y sinasabing magbabago na rin ang kapalaran ng Beermen. Kasi nga’y nangangapa pa sina Hontiveros at Peña. Hindi pa naman nila maibubuhos ang 100 percent nila dahil galing nga sila sa injuries.

Mamaya ay makakaharap ng San Miguel ang Air21 Express sa ikatlong out-of-town game ng torneo sa Capiz Gymnasium sa Roxas City. Naka-settle down na si Hontiveros at Peña kung kaya’t medyo magiging komportable na sila at umaasa si coach Joseph Uichico na makakatulong na sila nang husto sa kanilang koponan.

Kaya lang, mataas naman ang morale ng Express dahil sa galing sila sa 110-95 panalo kontra sa Sta. Lucia Realty. Sa larong ginanap noong Linggo, nagawa ng Express na makabalik sa 13 puntos na abante ng Realtors sa third quarter upang manaig.

At sa larong iyon ay nakita ng lahat na pwede palang maging scoring threat ang import na si Shawn Daniels na nagtapos nang may 30 puntos. Bago kasi ang larong iyon ay nag-average lang si Daniels ng 17 puntos. Marami nga ang nagsabing napakabagal nito at tila hindi magtatagal sa liga.

Pero buo ang paniniwala ni bagong Air21 coach Dolreich "Bo" Perasol sa kakayahan ng kanyang import. Katunayan, sa isang sesyon ng SCOOP bago nagsimula ang torneo, sinabi ni Perasol na iba-iba naman ang lakas ng mga imports. Hindi naman daw scorer si Daniels kundi team player at mahusay magpasa ng bola.

Na siyang tutoo dahil sa muntik na siyang maka-triple double kontra sa Realtors. Sa rebounds nga siya kinapos para ma-achieve ito, e.

So, kung import match-up ang pag-uusapan mamaya, malamang na angat si Daniels kaysa kay Rico Hill ng Beermen.

At kapag nalasap ng San Miguel ang ikalimang sunod na pagkatalo kontra Air21, malamang na si Hill na ang siyang matsugi. Kasi nga, kumpleto na ang Beermen sa pagbabalik nina Hontiveros at Peña. Halos wala nang dahilan upang magpatuloy ang kamalasan ng San Miguel Beer sa torneo.

Kumbaga, para sigurong last chance na ito ni Hill na makapagpakitang-gilas. Kasi nga, may lumalabas na balitang baka kunin ng San Miguel ang dating Sta. Lucia import na si Kwan Johnson. Bukod dito ay mayroon pang dalawang manlalarong nasa NBA training camp na kinukunsidera si Uichico.
* * *
Condolonces sa mga naiwan ng ating kaibigang si Vic Celino na pumanaw noong Linggo. Ang kanyang labi ay nakaburol sa Arlington sa Araneta Avenue. Bukas itinakda ang libing.

ARANETA AVENUE

BEERMEN

CAPIZ GYMNASIUM

HONTIVEROS

JOSEPH UICHICO

KASI

LINGGO

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with