^

PSN Palaro

FG may babala sa mga NSAs

-
May babala si First Gentleman Atty. Mike Arroyo sa mga sports associations na hindi makakakuha ng gintong medalya sa 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Sa kanyang kauna-unahang public appearance matapos ang ‘pagbabakasyon’ sa Amerika, isinama kahapon ni Atty. Arroyo sa pulong ng Philippine Sports Commission (PSC) sa mga National Sports Associations (NSAs) sa Dragon Gate Restaurant ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).

"I invited the PCGG to be here. Those sports that will fail us will be sequestered by the PCGG," pagbibiro ni Atty. Arroyo sa mga NSAs. "That’s why you better produce your gold. Warning na ‘yan sa inyo, kapag wala kayong gold sequestered na kayo."

Hangad ng PSC at ng Philippine Olympic Committee (POC) na maangkin ang overall championship ng 2005 SEA Games, hahataw sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

At upang makuha ang naturang hangarin, pinangunahan ni Atty. Arroyo ang FG Foundation para makakuha ng suporta mula sa pribadong sektor.

Nakatanggap ang FG Foundation ng P160 milyon mula sa pribadong sektor kung saan P100 milyon rito ay nanggaling sa San Miguel Corporation.

"We have very good companies who are thinking Philippines first and unity for the Philippines. With this, the training will go on. We will go to the SEA Games and then we will try to have at least one Olympic gold in the Olympic Games in 2008. That is our path and I think we can get our Olympic gold because that‚s what the President wants," ani Atty. Arroyo. (R.Cadayona)

DRAGON GATE RESTAURANT

FIRST GENTLEMAN ATTY

GOOD GOVERNMENT

MIKE ARROYO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

NOBYEMBRE

OLYMPIC GAMES

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PRESIDENTIAL COMMISSION

SAN MIGUEL CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with