PLDT binuhay tsansa sa Finals

MANILA, Philippines —Binuhay ng nagdedepensang PLDT ang tsansa sa finals spot matapos takasan ang Farm Fresh, 25-16-, 25-22, 23-25, 25-20, sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Bumangon ang High Speed Hitters mula sa dalawang dikit na kamalasan para itaas ang baraha sa 2-2.
Kumolekta si Fil-Canadian Savi Davison ng triple-double na 32 points, 10 excellent digs at 14 receptions, habang may 15 markers si Kim Kianna Dy at tumipa si setter Kim Fajardo ng 26 excellent sets.
“I think we just really tuned in on how we can contribute to the team and that’s filling our role individually and coming ready to do that,” sabi ng 27-anyos na si Davison.
May 24 excellent digs si libero Kath Arado.
“Iyong defending champion na title hindi relevant sa amin this conference kasi nare-reverse hype lang kami, parang lalo kaming nadi-distract,” ani coach Rald Ricafort. “Mas important sa amin iyong naka-respond kami coming from Nxled at iyong sa Vietnam na talo.”
Laglag ang Foxies sa pangatlong sunod na kabiguan para sa 1-3 marka.
Pumalo si Ces Molina ng 12 points kasunod ang 11 markers ni Royse Tubino, habang nalimitahan si Trisha Tubu sa limang puntos para sa Farm Fresh na nakasingit sa third set, 25-23.
Binuksan ng PLDT ang fourth set sa pagtatala ng 8-3 abante bago kunin ang 22-18 bentahe patungo sa kanilang bounce back win.
Sa ikalawang laro, pinadapa ng Nxled ang guest team Ho Chi Minh City, 25-20, 31-33, 25-17, 25-22, para sumilip ng pag-asa sa finals berth.
Nagtala si Jonah Sabete-Escamillan ng 18 points para sa 2-2 record ng Chameleons.
Laglag ang mga Vietnamese sa 1-3.
Bigo ang Ho Chi Minh na maduplika ang 28-26, 19-25, 25-21, 25-16 pagdaig sa PLDT.
- Latest



















