3rd title sa Maroons, back-to-back sa Tigers sa UAAP swimming
October 4, 2005 | 12:00am
Nakopo ng University of the Philippines ang kanilang ikatlong mens title habang naidepensa naman ng University of Santo Tomas ang kanilang womens title sa UAAP Season 68 swimming competition kamakailan sa Rizal Memorial pool.
Umani ang UP tankers ng kabuuang 304.5 puntos sa pangunguna ni Olympian Raphael Matthew Chua na nanguna sa 50, 100 at 200 meters breaststroke, para makopo ang titulo upang sundan ang kanilang tagumpay sa (high school division.
Pumangalawa ang UST na may 225 points, kasunod ang Ateneo na may 154.50, De La Salle na may 80 at University of the East na may walong puntos sa mens division.
Nakopo ng Atenean na si Michaelmars Danila ang mens Most Valuable Player at Rookie of the Year awards matapos manalo sa 50 backstroke at freestyle, 200 individual medley at freestyle at 100 backstroke at freestyle.
Tulad ng inaasahan, napunta sa beteranong si Luica Dacanay ang Most Valuable Player title para sa UP na kinapos sa overall title na naiungos ng UST sa tulong ng Puerto Princesa swimmer na si Josephine Pilapil, 16-anyos na lumangoy ng anim na gold medals, isa sa record breaking performance, na malaking itinulong sa 244 points ng UST Tigers.
Humakot lamang ang UP ng 200 points, kasunod ang De La Salle na may 166.50, Ateneo na may 106.50 at UE na may 14.
Kahit may injury sa kaliwang tuhod, nanalo si Pilapil, na nakakuha ng five gold medals sa Iloilo Palarong Pambansa noong nakaraang taon, nanguna ito sa 50, 100 at 200 meters breaststroke at 50, 100 at 200 meters freestyle, kung saan sinira niya ang record na 2:16.89 ni Nicole Santiago noong 2004 sa kanyang oras na 2:16.14 para ipagkaloob sa kanya ang top rookie honors para sa season.
Sa boys division, nakuha ng Ateneo ang championship sa kanilang 293 points, kasunod ang La Salle-Zobel na may 176.50, UE na may 105, UP na may 102.50 at UST na may 99 points.
Sa girls action, namayagpag ang UP na may 200 points, kasunod ang UP (185), La Salle (170) at UST (162).
Nakopo ni Ryan James Siaron ng La Salle-Zobel ang MVP title sa boys division, si Edlyn Son naman sa ang top rookie sa girls habang ang Atenean na si Theodoro Sandico ang rookie sa boys.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended