UE kampeon sa UAAP juniors chess
September 20, 2005 | 12:00am
Maningning na tinapos ng University of the East ang kanilang kampanya sa chess competition ng UAAP Season 68 noong Linggo nang umiskor ng back-to-back na panalo upang maibulsa ang ikaapat na sunod na korona sa juniors division sa UE Briefing Room.
Ipinorma ni Nelson Mariano III ang kanyang sarili sa pagkuha ng magkasunod na MVP plum nang umiskor ng kumbinsidong 52-move na panalo laban sa Sicilian ni Andrew Delfin sa 4-0 panalo ng UE laban sa National U noong Sabado at isang mabilis na 24-move na tagumpay laban naman kay Enrique Santos sa nasabi ring panalo ng East laban sa Ateneo noong Linggo.
Nagtala ang UE juniors ng kabuuang 36 puntos na nagbigay sa kanila ng korona, pumangalawa naman ang Ateneo na humatak ng 2-2- draw sa Santo Tomas U noong Sabado sa taglay na 26 puntos.
Ang iba pang nakapasok sa final standing ay ang UST na tumersera na may 21.5 pts,; Adamson (4th) na may 19.5 pts.; NU (5th) na may 12.5 pts.; at La Salle (6th) na may 4.5 pts.
Samantala, bumabandera naman ang UST sa womens chessfest sa taglay na 33 puntos, kasunod ang De La Salle 28.5, UP 28.0, FEU 21.5, Ateneo 19.5, UE 14.5 at NU 11.0.
Magkakaroon naman ng playoff para sa No. 1 spot sa Final Four sa mens volleyball matapos na gapiin ng FEU, ang reigning champion na UST, 25-20,. 25-20, 23-25, 25-22 noong Linggo sa UP gym sa Diliman.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am