^

PSN Palaro

Basketball ipapakiusap ni Cojuangco

-
Sisikapin ni Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ Cojuangco, ang chief executive officer ng Philippine Southeast Asian Games Olympic Committee na maisalba ang pagkakaroon ng basketball event ng bansa sa darating na November 27 hanggang December 5.

Inimbitahan si Cojuangco ng Inter-national Basketball Federation o FIBA na nais maresolba ang kasalukuyang isyu sa basketball sa bansa na siyang dahilan para masuspindi ang Pilipinas sa anumang international competition kabilang na ang Southeast Asian Games.

Nakatakdang magtungo si Cojuangco sa main office ng FIBA sa Geneva sa September 26 at inaasahang ipapaliwanag nito ang mga naging kaga-napan kung bakit sinibak ng POC ang Basketball Association of the Philippines (BAP).

Kasalukuyan pa ring kinikilala ng FIBA ang BAP na pinamumunuan na ngayon ni Joey Lina kaya’t hindi mabig-yang daan ang itinayong Philippine Basketball Federation na pinangu-ngunahan naman ni Moying Martelino.

Matigas ang paninindigan ni Cojuangco na panatilihin ang pagkilala sa PBF bilang basketball association ng bansa na nawala sa BAP matapos nitong suwayin ang pakikipagkasundo sa POC at Philippine Basketball Association ukol sa national training team na siyang dahilan para sibakin ito ng POC.

Makakasama ni Cojuangco sa Geneva si POC Chairman Robert Aven-tajado at ang legal counsel na si Ding Tanjuatco upang ipaliwanag ang kanilang panig para sa layuning bawiin ng FIBA ang suspension sa bansa na magbibigay daan sa pagkakaroon ng basketball team sa SEA Games. (CVOchoa)

BASKETBALL

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BASKETBALL FEDERATION

CHAIRMAN ROBERT AVEN

COJUANGCO

DING TANJUATCO

JOEY LINA

MOYING MARTELINO

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

PHILIPPINE BASKETBALL FEDERATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with