^

PSN Palaro

Fil-Am diver magsasanay sa China

-
Isang Fil-American diver na si Victor Paguia ang ipinadala ng Philippine Amateur Swimming Asso-ciation (PASA) sa China pa-ra mag-training ayon kay PASA president Mark Jo-seph na inaasahan niyang gagaling pa ng husto bago ang darating na 23rd South-east Asian Games na na-katakda sa Nobyembre 27-Disyembre 5.

"We have one diver from Illinois na specialist sa one-meter at three-meter event," sabi ni Joseph kay Paguia. "We expect na pagbalik niya dito he will be in good form."

Si Paguia ay sumabak sa nakaraang 2005 World Championships sa Mont-real, Canada kasama sina Fil-Am Miguel Molina, Miguel Mendoza at James Bernard Walsh.

Ang naturang torneo ang unang pinakamalaking sinalihan ni Paguia, ayon kay Joseph.

"Sanay lang kasi siyang sumali sa mga US NCAA competitions at ngayon lang talaga siya nakasali sa World Championship hindi kagaya nung tatlo (Molina, Mendoza at Walsh) na nakapag-Olympics sa Greece last year," ani Joseph.

Inaasahan ng PASA na gold ang makukuha ni Paguia sa paborito nitong one-meter diving event sa SEAG. (Ulat ni RCadayona)

ASIAN GAMES

FIL-AM MIGUEL MOLINA

ISANG FIL-AMERICAN

JAMES BERNARD WALSH

MARK JO

MIGUEL MENDOZA

PAGUIA

PHILIPPINE AMATEUR SWIMMING ASSO

SI PAGUIA

VICTOR PAGUIA

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with