^

PSN Palaro

6th win tangka ng Adamson Lady Falcons

-
Ikaanim na sunod na panalo ang puntirya ng Adamson U laban sa De La Salle, habang pipilitin naman ng Ateneo na makabangon mula sa kanilang huling kabiguan sa nakatakdang pakikipaglaban sa University of the Philippines sa UAAP Season 68 women’s basketball ngayon sa Adamson U gym.

Nakasakay ang Lady Falcons mula sa kanilang upset na panalo laban sa Lady Maroons, 58-57 noong nakaraang Linggo, at kasalukuyan namang taglay ng Lady Archers ang 2-3 kartada kung saan nakatakda silang magharap sa alas-11:30 ng umaga.

Sasagupain naman ng Lady Eagles na lumasap ng 60-57 pagkatalo sa kamay ng Santo Tomas Tigresses noong nakaraang Linggo ang Lady Maroons sa alas-8 ng umaga. Sa iba pang laban, magbabanatan ang UST at University of the East sa alas-9:45 ng umaga at nakakuha naman ng draw ang Far Eastern U ngayon.

vuukle comment

ADAMSON U

DE LA SALLE

FAR EASTERN U

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

LADY FALCONS

LADY MAROONS

LINGGO

SANTO TOMAS TIGRESSES

UNIVERSITY OF THE EAST

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with