^

PSN Palaro

UP dinungisan ng UE

- Carmela Ochoa -
Dinungisan ng Univer-sity of the East ang mali-nis na karta ng University of the Philippines nang kanilang hugutin ang 57-51 panalo sa kanilang sagu-paan sa UAAP men’s basketball tourna-ment na nagpatu-loy kahapon sa Araneta Coli-seum.

Hinatak ng UE Red Warriors ang ikatlong sunod na tagumpay ha-bang ipinalasap sa UP Maroons ang unang kabiguan matapos uma-rangkada sa tat-long sunod na panalo sanhi ng kanilang pagtatabla sa 3-1 karta.

Gumana ang intensi-bong laro ng East sa ikalawang quarter nang kunin ang 31-24 kalama-ngan sa halftime bago nila ibinandera ang pinaka-malaking kalamangan na 14-puntos, 42-28 bago matapos ang ikatlong quarter.

Tinangkang isalba ng Maroons ang malinis na kabiguan sa pamama-gitan ng malaking rally sa endgame nang umiskor ng dalawang malalaking tres si Abby Santos sa 10-1 run na naglapit sa kanila sa 51-54 mula sa dala-wang freethrows ni Axel Durueli mula sa foul ni Robert Labagala patungo sa huling 19 segundo na lamang ang natitira sa laro.

Nakakuha ng foul si Marcy Arellano mula kay Mico Vainio na nagdala sa kanya sa freethrow line, para ikonekta ang dala-wang freethrows na nag-bigay sa Red Warriors ng kumportableng distan-siya, 56-51, may 17.6 segundo na lamang.

Sa juniors division, kapwa nagtala ng mala-king tagumpay ang UP Integrated School, at ang De La Salle Zobel laban sa UE Pages, 76-51 at AdU Baby Falcons, 86-52 ayon sa pagkakasunod.

ABBY SANTOS

ARANETA COLI

AXEL DURUELI

BABY FALCONS

DE LA SALLE ZOBEL

INTEGRATED SCHOOL

MARCY ARELLANO

MICO VAINIO

RED WARRIORS

ROBERT LABAGALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with