^

PSN Palaro

DLSU binulaga ng UP

-
Inilatag ng University of the Philippines ang mahigpit na depensa sa second half laban sa defending champion De La Salle University tungo sa 61-56 panalo sa UAAP men’s basketball tournament na nagpatuloy kahapon sa Ateneo Gym.

Nailista ng UP Maroons ang magandang 2-0 simula sa torneo, na ngayon lamang uli nangyari sapul noong 1997, para pansamantalang solohin ang pamumuno.

Matapos kunin ang 31-27 kalamangan sa halftime, hindi na binigyan ng pagkakataon ng State U na makalamang ang DLSU Green Archers sa second half.

Umabot sa 10-puntos ang pinakamalaking bentahe ng Maroons na pinangunahan ni Marvin Cruz sa pagkamada ng 16-puntos at 8-rebounds, 52-42 na hinabol ng Archers sa 51-54 mula sa basket ni Ryan Araña papasok sa huling minuto ng labanan.

Ngunit nagtulong ang dating Archer na si Mika Vainio at si Cruz upang panatilihing nakadistansiya ang Maroons at ipalasap sa La Salle ang kabiguang tumabon sa kanilang 78-60 panalo laban sa mahigpit na karibal na Ateneo de Manila University noong Linggo.

Nakapasok naman ang University of the East sa win column matapos ang 71-64 pamamayani laban sa National University.

Sa juniors division, nanalo din ang junior counterparts ng East na UE Pages laban sa NU Bullpups, 60-57 upang itabla ang kanilang record sa 1-1 habang naitala naman ng UP Integrated School ang ikalawang su-nod na panalo sa iskor na 66-65 laban sa La Salle Zobel sa isa pang juniors game.

ATENEO GYM

DE LA SALLE UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

INTEGRATED SCHOOL

LA SALLE

LA SALLE ZOBEL

MANILA UNIVERSITY

MARVIN CRUZ

MIKA VAINIO

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with