^

PSN Palaro

Ang vs Mendez sa men's singles finals

-
Ipinakita ng matinik na si Kelvin Tim Ang ang kanyang supremidad sa kalabang si Julius Ma-gallanes ng Centro Atletico sa makapigil hiningang labanan ng dalawang sumisikat na manlalaro sa bansa matapos na iposte ang 15-13, 15-12 panalo at makarating sa men’s singles finals ng elite division ng JVC Open Badminton Champion-ships kahapon.

Ang panalo ay nagtakda sa 16-anyos na si Ang, na lumaro mula sa Inflight/PNP/JLTC/Phil. Star, sa pakikipag-laban kontra kay Ralph Ian Mendez, 21-gulang ng Univ. of San Jose Recoletos-Cebu, na nakalusot naman kay Alex Borromeo ng Pohang BC, 15-5, 15-8 sa isa pang semis match para mapasabak sa top P8,000 purse na inilagay ng nagtata-guyod na JVC (PHILS.), Inc.

Dinomina naman ni Janina Paredes ng Golden Shuttle Foundation si Mary Joy Abad ng PNP/JLTC, 11-0, 11-3, at isaayos ang kanilang paghaharap ni Dalia Santiago ng Phil. Star na nanaig laban sa kay Maiqui Laurel, 11-4, 7-11, 11-7 sa ladies singles crown.

Ginapi naman ng tambalang Melody Villaceran ng Phil. Star/Chaopai/Battledore at Elaine Lao ng Valle Verde ang duo nina Gina Flores at Junalee Magnaye ng Centro Atletico, 15-6, 17-14, upang umusad sa finals ng ladies doubles ng event na ito na suportado ng Alaska, Gosen, Chris Sports, Rudy Project, Technomarine, Nokia, Lactacyd, Pioneer Life, Bacchus at Akari.

Tangka nina Villaceran at Lao ang korona at top purse na P8,000 kontra sa tandem nina Tehrine Chan ng DLSU/Team Valencia at Norine Go ng Premier City Club, na sumibak naman sa pares nina Maiqui Laurel-Andres Go,15-8, 15-4.

ALEX BORROMEO

CENTRO ATLETICO

CHRIS SPORTS

DALIA SANTIAGO

ELAINE LAO

GINA FLORES

GOLDEN SHUTTLE FOUNDATION

JANINA PAREDES

JULIUS MA

JUNALEE MAGNAYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with