^

PSN Palaro

UST at Ateneo mag-uunahan sa liderato

-
Matinding sagupaan ang kapwa ilalabas ng University of Santo Tomas at Ateneo ngayon upang malaman kung sino sa kanila ang dapat na bumandera sa semifinals round sa pagpapatuloy ng 2005 Shakey’s V-League first conference sa Rizal Memorial Coliseum.

Hawak ng UST ang impresibong 25-13, 28-26, 25-20 panalo laban sa San Sebastian sa panimula ng double-round semis phase na ito noong nakaraang Saba-do kung saan hindi rin nagpahuli ang Ateneo nang humataw rin sila ng panalo laban sa paborito at elims topnotcher La Salle, 19-25, 25-15, 25-23, 25-17.

At ngayong alas-5 ng hapon, malalaman sa pagtatapos ng engku-wentro ng Lady Eagles at Tigresses kung sino sa kanila ang mas matikas kung saan inaasahang ang kanilang laban ay punom-puno ng excite-ment hindi lang para masolo ang pangunguna sa tournament na ito na hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision Management Group Inc.

Nauna rito, sisikapin naman ng Lady Archers na makabangon mula sa kanilang nalasap na ikat-long sunod na pagkatalo sa kanilang pakikipagla-ban sa Lady Stags na tinatayang maglalabas rin ng matalim na pangil upang ibangon ang kani-lang respeto sanhi ng naging kabiguan sa mga kamay ng Tigresses.

Nakatakda ang sagu-paan ng La Salle at San Sebastian sa alas-3 ng hapon na ipalalabas sa IBC-13 simula sa alas-7 ng gabi, habang ang UST-Ateneo encounter ay ipa-lalabas bukas sa ganap na alas-7 rin ng gabi.

Matapos ang kanilang akyat-babang kampanya sa eliminations, ipinama-las naman ng UST ang kanilang mapanganib na porma nang kanilang pagpagin ang Lady Stags, ang siyang pinaka-malaking pagyanig sa event na ito na suportado rin ng Accel, Mikasa, Dunkin’ Donuts, IBC-13 at Jemah Television.

ATENEO

JEMAH TELEVISION

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

LADY STAGS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN SEBASTIAN

SHAKEY

SPORTS VISION MANAGEMENT GROUP INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with