^

PSN Palaro

BAP training pool 'di sumipot

-
Hindi sinipot ng mga miyembro ng National pool ng Basketball Asso-ciation of the Philippines (BAP) ang exhibition game kahapon sa PBA Invitational Challenge sa Araneta Coliseum.

Dahil dito, posibleng tanggalin ni coach Chot Reyes sa training pool ang mga naturang players na dating nagsasanay sa ilalim ni coach Boysie Zamar at suportado ng Cebuana Lhuillier ngunit nitong nakaraang linggo ay itinigil na nila ang pagsuporta sa BAP.

Ang tanging lumaro lamang kahapon sa exhibition game ng mga aspiring players para sa national team na ipapadala sa Southeast Asian Basketball Association sa July sa Singapore ay ang mga manlalaro mula sa Philippine Basketball League.

Ayon kay Reyes, bibigyan na lamang niya ng isang linggong palugit ang mga naturang players bago niya ito tuluyang tanggalin sa training pool.

Dumating naman ang mga suspendidong Fil-foreign players na kasama sa PBA training pool matapos mapabalitang ibo-boykot nila ang training na isinasagawa ni coach Chot Reyes.

Sinabi naman ni Reyes na walang katotohanan ang balitang bo-boykutin ng mga nasuspinding Fil-foreign players ang training pool.

Samantala, nagpasiklab naman ang Fil-Am na si Anthony Washington sa pagkamada ng 21-puntos upang pangunahan ang RP-Team A sa kanilang 73-69 panalo laban sa Team B na binanderahan naman ni Cesar Catli na tumapos ng 19-puntos.

ANTHONY WASHINGTON

ARANETA COLISEUM

BASKETBALL ASSO

BOYSIE ZAMAR

CEBUANA LHUILLIER

CESAR CATLI

CHOT REYES

INVITATIONAL CHALLENGE

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with