Sa weight-in pa lang mainit na
March 20, 2005 | 12:00am
LAS VEGAS -- Naging magandang dry run para sa mga tagasubaybay at fans ang official weigh-in noong Biyernes nina Manny Pac-quiao-Erik Morales na maglalaban dito sa MGM Grand.
Ang pagtimbang na ginanap sa isang seksiyon ng MGM Garden Arena, ang lugar na pagdarausan ng 12-rounder at sa ilalim ng tila konsiyertong paligid ay nagpataas sa dugo ng dalawang kampo.
Nakaupo sa lower rows ang malaking grupo ng mga Pinoy malapit sa stage na pinagtitimbangan ng dalawang boksingero habang sa kabilang panig ang mga Mexicans na mas marami ay inokupahan ang ibat ibang lugar na karamihan ay sa upper rows.
Ang lugar ay yayanigin ng dalawang kampo sa oras na magsuntukan na ang dalawang boksingero sa ganap na alas-9 ng gabi dito (alas-12 ng tanghali ng Linggo sa Manila).
Mahigpit ang seguridad sa official weigh-in dahil ito ang naka-ugalian sa Las Vegas--di tulad sa ibang lugar na maraming tao sa paligid ng mga boksingero. Dito tanging ang mga boxers at ilang team members at officials lamang ang nasa stage.
Iwinawagayway ng mga Pinoy sa pangunguna ng cheering ng loyal Pacquiao fan na si Cris Aquino na sumisigaw ng Bar-Re-Ra! Bar-Re-Ra! patungkol sa reigning WBC at WBA superfeatherweight champion na tinalo ni Pacquiao noong 2003.
At tila nasorpresa nila ang mga Mexicans.
Nauna kay Morales, si Pacquiao ay tumitimbang ng 129 lbs at sinalubong ng malakas at umuugong na cheer mula sa kampo ng mga Pinoy. At higit pang nagsigawan ang mga ito nang magpakita at ibanat ng hard-hitting na si Pacquiao ang kanyang muscle lalo sa gitna ng katawan na ala-Bruce Lee ang istilo.
Naantala ang Mexican boxer ng ilang minuto at tumimbang ng 130 lbs. Kulang na lang ng ilang guhit ay lagpas na ito sa timbang niya.
At habang nasa timbangan, na tumagal pa, sumigaw naman ang mga Pinoy fans ng "Mo-Ra-Les! Over-Weight! Mo-Ra-Les! Over-Weight! (Ulat ni Abac Cordero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended