^

PSN Palaro

No Fear Pacquiao, lalaban para sa bansa

-
Ihahandog ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao ang kanyang pakikibaka kay Mexican Erik ‘El Terible" Morales sa milyun-milyong Pinoy na tulad niya ang nakipaglaban sa buhay ngunit naging matatag at determinado sa kanilang pangarap.

"Matiyaga akong mag-ensayo ngayon. Haharapin ko ng walang takot si Morales para maihandog ko sa aking mga kababayan ang aking tagumpay," ani Pacquiao sa isang overseas interview.

"Gusto kong ipakita sa lahat na kapag may tapang ka sa buhay at nasa likod mo ang Diyos meron kang patutunguhan," pahayag pa ng 26 anyos na ang katapangan at magandang pananaw sa buhay ay naging dahilan ng pagkakapili sa kanya para maging endorser ng US apparel brand na No Fear. Ang No Fear ay maaaring mabili sa lahat ng pangunahing department stores at specialty shops sa buong bansa at sa lahat ng Fusion Concept Shops.

At ang pinakahihintay na laban sa pagitan nina Pacquiao at Morales sa Marso 20 sa Las Vegas ay inaasahang isang title fight para sa mga kababayang Pinoy na nagdarasal at sumusuporta sa Pinoy idol.

"Natutuwa ako kasi balita ko solid talaga ang suporta ninyo sa akin. Para sa inyong lahat ito," paabot ni Pacquiao sa mga kababayan

ANG NO FEAR

EL TERIBLE

FUSION CONCEPT SHOPS

LAS VEGAS

MEXICAN ERIK

NO FEAR

PACQUIAO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with