^

PSN Palaro

Espinosa sabik nang lumaban

-
Sabik nang umakyat sa ibabaw ng ring si Luisito Espinosa kung saan nakatakda itong makipagpalitan ng kamao kay Cristobal Cruz ng Mexico sa Pebrero 18 sa Stockton Memorial Civic Auditorium sa California. Ito ang iniulat sa pangunahing boxing website na fightingnews.com.

Taglay ni Espinosa, naninirahan sa US West Coast simula pa noong 1998 kasama ang asawang si Mariechie, ang ring record na 47-12-0 win-loss-draw na tinampukan ng 26 knockouts.

Dating hawak ni Espinosa ang World Boxing Association (WBA) bantamweight title mula Oktubre 1989 hanggang Oktubre 1991 at nagningning ang boxing career noong 1995 makaraang agawin ang trono sa World Boxing Council featherweight at pitong beses naidepensa laban sa mga Mexicano na sina Alejandro "Cobrita" Gonzales, Cesar Soto, Manuel Medina at Juan Carlos Ramirez, Hapones na si Nobutsohi Hiranaka, Argentinian Carlos Rios at American Kennedy McKinney.

Isinuko ang naturang korona sa kanyang rematch kay Soto sa El Paso noong Mayo 1999 sa pamamagitan ng kontrobersiyal na desisyon.

Sa kabilang dako, ang 27 anyos na si Cruz, na nakabase sa Tijuana, ay ang huling minutong kapalit ng orihinal na kalabang Mexican na makakalaban ni Espinosa, ay may 29-7-1 ring record na ang 18 panalo ay mula sa knockouts at umakyat ito sa professional noong 1992 ilang buwan matapos na matalo ang WBA bantam title ni Espinosa sa Venezuelan na si Israel Contreras sa Araneta Coliseum.

AMERICAN KENNEDY

ARANETA COLISEUM

ARGENTINIAN CARLOS RIOS

CESAR SOTO

CRISTOBAL CRUZ

EL PASO

ESPINOSA

ISRAEL CONTRERAS

JUAN CARLOS RAMIREZ

LUISITO ESPINOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with