ULAT SA ABU DHABI
December 12, 2004 | 12:00am
Lumiham sa inyong lingkod si Beaujing Acot, assistant coach ng RP-Cebuana Lhuillier team at head coach ng Benedictine International School. Kasalukuyan siyang nasa Abu Dhabi sa United Arab Emirates, kasama si coach Boycie Zamar, upang ibigay ang kauna-unahang basketball clinic sa Filipino com-munity doon.
Nagsimula ang lahat noong Abril, nang unang pumunta si Acot sa UAE upang magsilbing scout. Nakilala niya si Ginoong Alex Ricalde, ang sports and events adviser ng Samahang Batangueño doon. Napanood ng pamilya Ricalde si Acot sa programa ng inyong lingkod na "The Basketball Show" sa The Filipino Channel. May pangarap ang kanyang anak na si Ian na makauwi sa Pilipinas upang maglaro ng basketbol. Sa pag-tatagpo ng dalawa, nagawan ng paraan ni Acot na matupad ang pangarap ni Ian.
Nakiusap naman ang ama kung maaaring magpadala ng mga Pilipinong coach sa Abu Dhabi upang magbigay ng clinic. Bagamat napakarami ng mga Pinoy doon, mahirap maghanap ng basketball court at ng mahusay na magtuturo. Ngayon, mata-gumpay ring nakabalik si Ian sa kanyang pamilya doon, upang ipamahagi ang kanyang karanasan.
"This is one way of promoting the trace the roots program of the RP Team," pahayag ni Acot. "At an early age of 16, Ian was able to set a good example to his fellow Filipino kids. He even set the tone of pursuing their dreams of becoming national players someday. Thats why we insisted on bring Ian with us to show his improvement, not only physically, but also in his character and values as a person."
Dahil pangunang proyekto pa lamang ito, sinikap ng naka-tatandang Ricalde na isama ang tatlong paaralan ng mga Pilipino doon: Philippine National School (PNS), Pioneer International Private School, at PISCO private school, kung saan nag-aral si Ian.
Ilang mag-aaral ang lumapit pa kay Coach Zamar upang siguruhin kung siya nga ang naging coach ng mga kasalukuyang PBA player tulad nila Ronald Tubid, James Yap at Paul Artadi. Napanood nila si Zamar sa UAAP at The Basketball Show. Maging si Acot ay nakilala dahil sa pagkakapanood sa kanya sa telebisyon.
Madalas sabihin na tatlong bagay ang nakikita ng isang dayuhan sa Pilipinas: barangay hall, estatuwa ni Jose Rizal, at basketball court. Para sa mga Pinoy sa Abu Dhabi, hindi na masama ang isa sa tatlong iyon.
Maari pa kayong magwagi ng mga basketball jersey para sa Pasko. I-text lamang ang "BC" sa 2989 para sumali sa Basketball Challenge. Lahat ng magwawagi ay ibubunyag sa programang The Basketball Show tuwing Sabado, alas-3 ng hapon sa ABC 5.
Nagsimula ang lahat noong Abril, nang unang pumunta si Acot sa UAE upang magsilbing scout. Nakilala niya si Ginoong Alex Ricalde, ang sports and events adviser ng Samahang Batangueño doon. Napanood ng pamilya Ricalde si Acot sa programa ng inyong lingkod na "The Basketball Show" sa The Filipino Channel. May pangarap ang kanyang anak na si Ian na makauwi sa Pilipinas upang maglaro ng basketbol. Sa pag-tatagpo ng dalawa, nagawan ng paraan ni Acot na matupad ang pangarap ni Ian.
Nakiusap naman ang ama kung maaaring magpadala ng mga Pilipinong coach sa Abu Dhabi upang magbigay ng clinic. Bagamat napakarami ng mga Pinoy doon, mahirap maghanap ng basketball court at ng mahusay na magtuturo. Ngayon, mata-gumpay ring nakabalik si Ian sa kanyang pamilya doon, upang ipamahagi ang kanyang karanasan.
"This is one way of promoting the trace the roots program of the RP Team," pahayag ni Acot. "At an early age of 16, Ian was able to set a good example to his fellow Filipino kids. He even set the tone of pursuing their dreams of becoming national players someday. Thats why we insisted on bring Ian with us to show his improvement, not only physically, but also in his character and values as a person."
Dahil pangunang proyekto pa lamang ito, sinikap ng naka-tatandang Ricalde na isama ang tatlong paaralan ng mga Pilipino doon: Philippine National School (PNS), Pioneer International Private School, at PISCO private school, kung saan nag-aral si Ian.
Ilang mag-aaral ang lumapit pa kay Coach Zamar upang siguruhin kung siya nga ang naging coach ng mga kasalukuyang PBA player tulad nila Ronald Tubid, James Yap at Paul Artadi. Napanood nila si Zamar sa UAAP at The Basketball Show. Maging si Acot ay nakilala dahil sa pagkakapanood sa kanya sa telebisyon.
Madalas sabihin na tatlong bagay ang nakikita ng isang dayuhan sa Pilipinas: barangay hall, estatuwa ni Jose Rizal, at basketball court. Para sa mga Pinoy sa Abu Dhabi, hindi na masama ang isa sa tatlong iyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended


















