^

PSN Palaro

Batangas walang talas sa Taguig

-
Naglatag ang Forward Taguig ng malagkit na depen-sa sa huling mainit na bahagi ng labanan upang iposte ang 77-70 panalo kontra sa Ba-tangas 29ers at maka-una sa kanilang semifinals series sa NBC (National Basketball Conference) North division noong Sabado sa C.P. Tinga gym.

Isinalpak ng veteran point guard na si Ogie Gumatay ang 13 sa kanyang game-high na 17 puntos sa fourth quarter upang ilapit ang tropa ni Mayor Freddie Tinga sa finals sa torneong ito na hatid ng Panasonic, Spring Cooking Oil, PCSO, Nature’s Spring Mineral Water, Sulpicio Lines, Cebu Ferries, Air Philippines, Supercat, Skygo Motorcycles, TransAsia, Accel at Molten.

Nagawang maibaba ng 29ers ang pinakamalaking ka-lamangan ng Taguig sa 70-61 sa third period, ngunit gumamit ang Taguig ng fullcourt trap sa bungad ng final canto upang muling ilayo ang kanilang ben-tahe tungo sa panalo.

Sisikapin ng Taguig na maisara ang serye ngayong alas-6 ng gabi sa kanilang muling paghaharap, habang ikalawang panalo rin ang tangka ng Ozamiz kontra sa Iloilo sa alas-6 ng gabi sa Gov. Angel Medina gym sa Ozamiz City.

AIR PHILIPPINES

ANGEL MEDINA

CEBU FERRIES

FORWARD TAGUIG

MAYOR FREDDIE TINGA

NATIONAL BASKETBALL CONFERENCE

OGIE GUMATAY

OZAMIZ CITY

SKYGO MOTORCYCLES

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with