^

PSN Palaro

Paragua, kampeon sa Alushta GM tournament

-
Pinalawig ng husto ni GM-candidate Inetrnational Master Mark Paragua ang kanyang GM norm mula sa 12 hanggang 15 games matapos na magwagi sa kanyang huling laban sa pagtatapos ng hostilidad ng Alushta GM tournament noong Martes sa Alushta, Crimea, coastal city ng south Ukraine.

Gamit ang mga puting piyesa, muling pinagana ni Paragua ang kanyang paboritong King’s Indian Attack (KIA) upang pisakin ang FIDE Master na si Evgeni Kobylkin ng Ukraine sa 30 moves ng Complex Opening bago sumulong ng simpleng hakbang para manalo sa endgame.

Isinara ni Paragua ang kan-yang kampanya sa pamamagitan ng paglikom ng 11.5 puntos (10 panalo, 3 draws at 2 talo) na nagbigay sa kanya ng korona sa tournament na ito na nilahukan ng 68 mahu-husay na woodpushers sa mundo.

"My game plan is to win the game to add a few ratings so all out talaga ako sa laro since nakuha ko na yong GM norm ko," pahayag ni Paragua, enlisted member ng Philippine Air Force Chess team sa isang e-mail kahapon.

Bunga ng kanyang panalo, si Paragua ang kauna-unahang Pinoy player na sumunod sa yapak ng yumaong GM na si Rosendo Balinas Jr., na nanalo sa tournament na ito sa dating Soviet Union Republic. Matatandaan na nagkampeon si Balinas noong 1976 kasabay rin ng pagkuha niya ng GM title.

Ang tagumpay na ito ni Paragua ay hindi nagawa ng kauna-unahang Grandmaster ng Asia na si Eugene Torre na tumapos lamang ng ikatlong puwesto sa Chigorin Memorial GM closed event noong kalagitnaan ng dekada 80s sa Sochi, Russia.

Napaangat ng 20-anyos na si Paragua ang kanyang rating na 2661 at nakakuha ng 24 rating points na nagpataas ng kanyang kasalukuyang ELO rating na 2530 patungo sa 2554.

Kailangan na lamang ni Paragua ng isang GM norm upang kumpletuhin ang kanyang pagiging ganap na Grandmaster at makagawa ng kasaysayan sa Philippine Chess kung makukuha niya ang kanyang 3rd at final GM norm na maging pinakabatang Grandmaster ng bansa sa edad na 20.

ALUSHTA

CHIGORIN MEMORIAL

COMPLEX OPENING

EUGENE TORRE

EVGENI KOBYLKIN

INDIAN ATTACK

INETRNATIONAL MASTER MARK PARAGUA

KANYANG

PARAGUA

PHILIPPINE AIR FORCE CHESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with