Pinansiyal na kailangan ng 2005 SEAG hanap
August 29, 2004 | 12:00am
Dahil sa naunang anunsiyo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, hinggil sa krisis na kinakaharap ng bansa sa pinansiyal na aspeto, agaran tugon ang siyang ibinigay ni PHILSOC chairman Roberto "Obet" Pagdanganan, kaugnay sa paghahanda ng bansa sa nalalapit na 2005 SEA Games.
Ayon kay Pagdanganan, na galing lamang sa kanyang pakikipagpulong kay Budget secretary, Emilia Boncodin, hindi maapektuhan ng naturang paghahanda ang kaban ng bayan dito.
Sinabi niya na hahanap ng ibang mapagkukuhanan ng pinansyal na tulong ang kanyang kumite upang matuloy ang isang matagumpay na pagsasagawa ng nasabing biennial meet sa bansa.
"We all heard President Arroyo declare that we are facing tough times financially. While we determined to honor an international commitment, we are also one with the government in responding to domestic responsibilities," ani Pagdanganan.
Ayon pa sa kanya, ang tulong buhat sa mga pribadong sektor ang isa sa makapagpapalawig ng layunin ng bansa upang maisakatuparan ang isang matagumpay na hosting ng SEA Games sa susunod na taon.
Kasabay nito, ay sama-samang lakas ang isasagawa ngayon ng tatlong kumite na punung-abala sa paghahanda ng SEA Games sa bansa, ito ay ang Philippine Sports Commission, ang Philippine Olympic Committee at ang PHILSOC, kung saan mismong sila na ang gagawa ng mas mabilis na paraan upang lumapit sa mga pribadong sektor para sa tulong pampinansiyal sa nalalapit na okasyon.
Si Pagdanganan ay kaga-galing lamang buhat sa Athens Greece, kung saan siya ay naging kinatawan ng pangulo dito para sa kasalukuyang 2004 Olympic Games, kasa-ma si PSC chairman Eric Buhain, kung saan kumuha din siya ng ilang punto na maaring gamitin para sa paghahanda ng bansa sa 2005 SEA Games.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended