TNT interesado kay Ferriorls
August 19, 2004 | 12:00am
Interesado ang Talk N Text na makuha ang serbisyo ni John Ferriols mula sa FedEx Express.
Ito ang napag-alaman sa isang mapapagkatiwalaang source na nag-sabing handa ang Phone Pals na makipagnegosasyon sa Express.
Ayon sa impormante, may butas ang power-forward slot sa line-up ng Talk N Text at si Ferriols ang kanilang minamataang pumuno nito.
Ibinunyag ng source na hindi na ire-renew ng Talk N Text ang kontrata ni Kahi Villa na mapapaso sa Disyembre kayat hina-hanapan na ito ng Phone Pals ng kapalit.
May isang taon pang natitira si Ferriols sa FedEx kaya hindi ito mapakawalan ng Express ngunit ayon sa Phone Pals, handa silang magpakawala ng player para makuha ang serbisyo ni Ferriols.
Samantala, nalalapit na ang deadline para sa mga teams na abisuhan ang kanilang mga player na may expiring contract sa December kung ito ay kanilang i-e-extend o hindi.
Itinakda ng PBA sa Agosto 31 ang deadline para sa mga team para naman may panahon pa ang hindi mae-extend na players na makipagne-gosasyon sa ibang koponan.
Base sa napagkasunduan ng PBA board, kailangang malaman ng mga players kung hindi na sila makakabalik sa team pagdating ng Enero o kung mananatili pa sila sa koponan ng isang komperensiya o isang season.
Nakatakdang magbukas ang regular season ng PBA sa October 3 sa Araneta Coliseum. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended