^

PSN Palaro

Isang condo unit para sa mag-uuwi ng Olympic gold

-
Sumakay na rin si Manila Mayor Lito Atienza sa mga nangako ng insentibo sa sinumang atletang makakapag-uwi ng gintong medalya sa Olympics matapos na ihayag nito ang pagbibigay ng siyudad ng isang condominium unit sa Residencias de Manila.

"This is our humble way of providing inspiration to our national athletes for their sacrifices in giving honor and prestige for the country. They are our modern day heroes," wika ni Atienza.

Inihayag ni Atienza ang nasabing incentive package kahapon matapos na mag-courtsey call sa Manila City Hall ang mga Olympic-bound taekwondo jins na sina Donald David Geisler, Tshomlee Go at Maria Antoniette Rivero na nakatakdang lumipad patungong Athens sa Agosto 15.

Kamakailan, nangako ang Samsung Electronics Phils., Bounty Food at Pacific Internet ng insentibo sa Olympic medalists.

Ang nasabing karagdagang incentive packages ay hiwalay sa mandatory incentives na ibibigay ng national government hinggil sa Republic Act 9064 o ‘National Athletes Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act’ kung saan pagkakalooban ng P5 milyon ang gold medal, P2.5 milyon ang silver at P1.5 milyon ang bronze.

ATIENZA

BOUNTY FOOD

DONALD DAVID GEISLER

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MARIA ANTONIETTE RIVERO

NATIONAL ATHLETES COACHES AND TRAINERS BENEFITS AND INCENTIVES ACT

PACIFIC INTERNET

REPUBLIC ACT

SAMSUNG ELECTRONICS PHILS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with