^

PSN Palaro

Bulauitan-Gabito gigil na mag-perform sa Olympic Games

-
ATHENS--Para sa Athletics star na si Lerma Bulauitan-Gabito, bale-wala sa kanya ang higpit ng kompetisyon sa 28th Olympic Games dito, ngunit excited siya at gigil na makapagpakita ng aksiyon.

"Mas excited ako ngayon kaysa nuong 2000 Sydney," wika ng 29-anyos na si Lerma sa isang maikling interview sa Philippine headqua-ters sa loob ng Olympic Village. "I look forward it (the competition) dahil favorite event ko ang long jump."

Isinagawa ng 5-foot-5 Education graduate mula sa Cagayan College sa Taguegarao, ang kanyang debut sa Olympics nang isinabak ito sa 100M ng Athletics sa Sydney kasama si Eduardo Buenavista.

At ang performance na ito ni Lerma ang nais niyang kalimutan. "Ayoko ng isipin. Dapat kalimutan na lang. Pero ngayon, I’ll really give my best pagtalon ko sa August 25."

Kumpiyansa ang patpating si Gabito na makapagtala ng pinakamahu-say niyang performance sa kanyang career. "I have a strong feeling that I’d surpass my personal best of 6.56 meters."

Si Lerma ay tumalon ng record-breaking sa second leg ng Asian Grand Prix sa Colombo, Sri Lanka nitong kaagahan ng taon nang kan-yang matabunan ang dating marka sa Southeast Asian Games na 6.52m na ipinoste ng retiradong si Elma Muros-Posadas.

Nagpakita rin ng aksiyon si Lerma sa Thailand at Manila legs ng Asian GP bilang bahagi ng kanyang preparasyon para sa Olympics.

Siya ay tumapos ng ikaanim sa Bangkok matapos na kumana lamang ng 6.31M, subalit muli siyang nakakuha ng bronze sa Manila sa kanyang itinalang 6.51m.

Plano ni Lerma, na nagpakasal sa kapwa niya national Alex Gabito (isang sprinter) na magreretiro matapos ang SEAG na gaganapin sa Manila sa susunod na taon.

"Dapat, isipin ko naman ang family life. Kailangang magkaanak na ako because I’m not getting any younger."

ALEX GABITO

ASIAN GRAND PRIX

CAGAYAN COLLEGE

DAPAT

EDUARDO BUENAVISTA

ELMA MUROS-POSADAS

LERMA

LERMA BULAUITAN-GABITO

OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with