Enrile suspindido
July 26, 2004 | 12:00am
Sinuspindi ng isang laro si Ronjay Enrile matapos magpakita ng di magandang asal sa nakaraang pagkatalo ng defending champion Colegio de San Juan de Letran kontra sa host Univ. of Perpetual Help Dalta System, 68-71 noong Biyernes.
Ito ang naging desis-yon ng management committee ng National Collegiate Athletics Association (NCAA) base sa rekomendasyon ng tech-nical committee ng basketball.
Sa naturang pagkatalo ng Letran Knights, dinuraan ni Enrile sa mukha si Dominador Javier sa isang mainit na tagpo sa ikalawang quarter.
Sa simula pa lamang ng labanan ay nagkakagirian na ang dalawa dahil sa pisikal na laban sa pagitan ng dalawang nangungunang koponan.
Hindi maaasahan ni Letran coach Louie Alas ang key player na si Enrile sa kanilang pakikipagharap sa mapanganib na San Sebastian College-Recoletos sa Biyernes.
Ang kabiguan ng Letran ang dahilan ng kanilang pagbagsak sa ikalawang puwesto taglay ang 4-2 record habang nasolo ng UPHDS Altas ang pangkalahatang pamumuno matapos itala ang ikalimang sunod na panalo sa anim na laro. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended