^

PSN Palaro

Canadian based Pinoy Alex Pagulayan dapat pa ring ipagmalaki

SPORTS - Dina Marie Villena -
Isang Pinoy pa rin ang nagkampeon sa katatapos na World Pool Championship na ginanap sa Taiwan.

Bagamat isang full-blooded Pinoy si Alex Pagulayan, ang bansang Canada kung saan siya naninirahan sa kasalukuyan ang kanyang kinatawan sa prestihiyosong billiards event na sa unang pagkakataon ay hindi sa Cardiff, Wales ginanap.

Kahit ano pa ang sabihin nila, isang Pinoy ang kampeon. Mahirap din ang daan na tinahak ni Pagulayan dahil dalawang Taiwanese ang kanyang tinuhog para makamtan ang prestihiyosong titulo na ito na mismong sa bansa ng mga Taiwanese ginanap.

Ang balita ko pa nga, napakahirap sawayin ng mga Taiwanese fans lalo na kung bigatin ang kalaban ng kanilang mga kababayan.

Siguro nanahimik ng husto ang Taiwanese fans nang payukurin ni Pagulayan ang kanilang idolo!
* * *
Suportado kaya ng Canadian government si Pagulayan sa kanyang kampanya sa World Pool Championship?

Kasi parang mag-isa lang siyang Canadian na kasali, at purong Pinoy pa.

Kaya tuloy maging si Aristeo ‘Poch’ Puyat ay tila interesado na rin kay Pagulayan. Hindi ba’t sa isang laro niya nang wala ng Pinoy eh may logo ng Puyat Sports ang kanyang t-shirt?

Well, walang masama. At least dumarami ang hawak niya na pawang de kalibre naman talaga tulad nina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante.
* * *
Dumating sa bansa si Pagulayan upang dito niya iselebra ang kanyang pagiging kampeon. Kasama niyang dumating kahapon si Puyat.

Kunsabagay, sabi naman niya eh manalo man o matalo dito sa Pinas ang diretso niya.

Siya pala’y taga-Isabela.

Magbabakasyon muna siya sa Isabela bago umuwi ng Canada kung saan siya naka-base.

Tiyak na may tournament o exhibition games na ihahanda ang Puyat Sports para sa kanya.

ALEX PAGULAYAN

ARISTEO

ISABELA

ISANG PINOY

PAGULAYAN

PINOY

PUYAT

PUYAT SPORTS

WORLD POOL CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with