^

PSN Palaro

80th NCAA Basketabll: Blazers tinuhog ng Knights

-
Eksplosibong opensa ang pinakawalan ng nag-dedepensang kampeong Letran Knights sa huling bahagi ng third quarter upang harangin ang College of St. Benilde at igupo ito sa iskor na 70-51 sa pagpapatuloy kaha-pon ng 80th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Bukod sa kanilang mainit na pananalasa, naglabas rin ang tropa ni coach Louie Alas ng solidong depensa na naging daan upang malimitahan ang Taft-based dribblers sa 21 puntos na produksiyon upang iguhit ang kanilang ikatlong dikit na tagumpay na naghatid sa kanila sa pakikisalo sa pahingang Perpetual Help Dalta System na mayroong magkawangis na 4-1 kartada.

Nagsilbing bayani sa tagumpay ng Knights ang sentrong si Jonathan Aldave nang kanyang ikonekta ang walo mula sa 11 puntos ng Letran na siyang nagpadingas sa pananalasa ng Intramuros-based cagers upang maagaw ang pangunguna sa 34-21 sa second period matapos na maiwanan ng Blazers sa 16-14 sa pagtiklop ng first quarter.

Ngunit hindi basta-basta sumuko ang Blazers at muli silang bumalik sa kalagitnaan ng third canto nang itarak ang 43-37 kalamangan, patungong 3:36 na lamang.

Pero panandalian la-mang ito at sa isang iglap ay mabilis na binuhusan ng Letran ng malamig na tubig ang atake ng St. Benilde nang isang umuusok na 9-2 bomba ang pinakawalan nina Ronjay Enrile, Jon Aldave, Hafer Mondragon at JP Alcaraz upang muling ibalik ang manibela sa Knights sa 52-39 sa pagtatapos ng naturang quarter. (Ulat ni BRepizo)

COLLEGE OF ST. BENILDE

HAFER MONDRAGON

JON ALDAVE

JONATHAN ALDAVE

LETRAN

LETRAN KNIGHTS

LOUIE ALAS

PERPETUAL HELP DALTA SYSTEM

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

RONJAY ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with