^

PSN Palaro

Suwerte ang mga batang MYG

SPORTS - Dina Marie Villena -
Matagal-tagal din ang bakasyon ng PBA. Gayunpaman, may All-Star Games pa naman sila at ito ay gaganapin sa Cebu City.

Ang batang kampeon na coach na si Siot Tanquingcen ang coach ng South All-Star habang si Yeng Guiao naman ang sa North.

Sa nakalipas na All-Star Games laging sa Maynila ito ginagawa at ngayon nga ay sa Cebu na para mabigyan naman ng kakaibang ambiance ang PBA at mailapit ang PBA sa probinsiya.

So good-luck na lang at sana ang magtuloy-tuloy ang tagumpay ng PBA na kanilang nalasap sa PBA Fiesta Cup finals.
* * *
Masuwerte ang mga batang gold medalists sa natapos na Manila Youth Games. Ang mga may talentong batang atleta ang kakatawan sa ating bansa sa International Children’s Game na gaganapin sa Ohio.

O di ba suwerte, makakabiyahe ng libre at maka-kapasyal sa Amerika ang mga bata.

At least isang malaking konsuwelo sa lahat ng kanilang effort ang maging kinatawan ng bansa. At higit sa lahat isang malaking karangalan.

So keep up the good work and may you bring home the bacon.
* * *
Wala nang isang buwan at giyera na sa Olympics na gaganapin sa Athens Greece.

Abala ang boxing team natin sa training at international exposures nila sa iba’t ibang bansa, gayundin ang RP taekwondo team na puspusan ang pagsasanay sa bayan ng taekwondo sa Korea.

Habang ang ating mga swimmers naman na mga Fil-Ams ay nasa Amerika at doon din nagsasanay. Hindi rin pahuhuli ang tracksters natin.

Sana naman may magandang kapalarang naghihintay sa kanila sa Athens. At higit sa lahat sana’y makasungkit na tayo ng mailap na gintong medalya sa Olympics.

Wala lang papasok na pulitika.

ALL-STAR GAMES

AMERIKA

ATHENS GREECE

CEBU CITY

FIESTA CUP

INTERNATIONAL CHILDREN

MANILA YOUTH GAMES

SIOT TANQUINGCEN

SOUTH ALL-STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with