^

PSN Palaro

MY GAmes bubuhayin ang Rizal Memorial Sports Complex

-
Muling mabubuhay ang mayaman at makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex sa pagtatanghal ng ikatlong edisyon ng Manila Youth Games (MY Games) ngayon sa makasaysayang at mala-piyestang opening rites sa Rizal Memorial track stadium.

Tampok din ang cheering competition, giant kite-flying exhibition, acrobatic show ng mga dating street children na papalamutian ng fireworks displays magiging hudyat sa isang linggong multi-event na kompetisyon na inorganisa ng Manila Sports Council (MAS-CO), na pinamumunuan ni Arnold ‘Ali’ Atienza.

Makakasama ni Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain, na panauhin pandangal at keynote speaker si Manila Mayor Lito Atienza kasama ang mga pangunahing sports officials ng bansa, city hall luminaries at kinatawan ng 897 barangays at anim na congressional districts ng Manila na dadalo sa opening ceremonies.

May 8,000 student-athletes at out-of-school youth mula sa buong kamaynilaan na maglalaban-laban sa 14 sports event na nakalinya sa MY Games ang magsasama-sama sa stadium para mag-partisipa sa pambungad na seremonyas.

Ngunit bago pumagitna ang mga bata sa centerstage, bibigyan parangal ang mga Manila’s sports greats sa pamumuno nina boxer Anthony Villanueva, swimmer Eric Buhain, shooter at football player Enrique Beech at basketball superstar Avelino ‘Samboy’ Lim at Jerry Codiñera dahil sa kanilang paglikha ng pangalan sa national at international sports arena.

ANTHONY VILLANUEVA

ENRIQUE BEECH

ERIC BUHAIN

JERRY CODI

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RIZAL MEMORIAL

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with